Chapter 28

1612 Words
GUILLAUME made sure the chocolate milk is carefully done. At nang matapos maghalo sa baso, pinuntahan niya si Devian na nasa resting area ng penthouse ni Duncan, kasama nito ang iba. "Here is it, Devian baby," inabot niya ang baso rito bago umupo sa bakanteng upuan katabi ni Theodred. "I thought you need to do something?" tanong ni Claudius kay Rainier. Oh, that. Ang alam niya rin isasama siya nitong si Theodred sa mga inutos sa kaniya ng King. Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon wala namang sinasabi ito tungkol doon. "I think that can wait. The clues about Victoria's town is more important now." Agad silang sumang-ayong lahat. Kahit siya na wala namang pakialam sa mga seryosong bagay na nagseseryoso ngayon. Alam niya ang bigat ng sitwasyon, hindi pwedeng malaman ng nasa labas ng Nobilis ang tungkol sa lugar na 'yon. Kung titingnan, sa mga kayamanan, sa lakas ng mga Nobles na nandoon, parang ito na ang puso ng mundo. And if someone greedy attack the Nobilis because of the town, there will be a war again. Many will die... once again. Napansin niyang nakatutok sa phone si Egon na nasa kabilang banda ni Theodred, pangisi ngisi pa ito at tila 'di nakikinig. Kinalabit niya ang katabi at nginuso ito. Lumapit sa kaniya si Theodred para bumulong, "He has feelings for someone, but he can't accept it." "I can hear you!" Egon shouted. Nagkibit balikat naman si Theodred. "Why? I'm saying the truth," sambit pa nito habang nagpapaypay. Sinimangutan silang dalawa ni Egon. Natawa na lamang siya dahil may konklusyong namumuo sa utak. "No. I was just investigating something, it's not what you think it is." "Talaga? Hmm, can I date her, then?" Sabay sabay nagmura ang bawat isa dahil sa biglang pagsabog ng mga rosas sa paligid. Dude, what the f*ck. He's freakin' serious! Isang banta lamang ng katabi niyang si Rainier, grabe na ang pagsabog ng emosyon ng isa. Nilingon niya ang paligid. Some of the resting chairs are destroyed. Si Claudius, hawak si Devian na alalang-alala sa baso ng chocolate milk. Habang ramdam niya naman ang kagustuhang manakit ni Duncan habang pinagmamasdan ang mga gamit ng kaniyang penthouse. Looks like Egon felt the killing intent from Duncan so he revert widened eyes from him. "G*go, Egon George! You are f*cking doomed!" he can't help but to exclaimed. Doomed from Duncan, and doomed in the terms of what he's investigating. Buti pa siya, free from heartbreaks, free from hassle. Kahit sobrang guwapo niya at maraming nagkakagusto sa kaniya, hindi niya pa rin hinahayaang may makapasok sa buhay niya. Dang, karma na ito kay Egon. Buti na lang napakabuti niyang Noble. Siya ay mabuting ehemplo sa lahat, dapat na siyang gawan ng rebulto sa sobrang buti niya. Napangisi siya sa iniisip. Hindi niya na napansin ang mga nasa paligid dahil sa mga ito. Wala na pala si Claudius at si Devian, maging si Theodred. Si Egon at Duncan naman, ah— ayaw niyang madamay dito. Aalis na rin siya. Naglakad siya paalis at nakisali sa usapan nila Claudius sa sala. Kumpara sa mansion, mas maliit ang tinitirhan nila ngayon. "Yow. Anong balak niyo?" bungad niya. Naabutan niya kasi ang dalawang nag-uusap tungkol sa rolls. "Investigative, of course," ani Claudius habang ang tingin ay nasa batang si Devian. It's still early but he can see how the kid's eyes are slowly closing. Umaga pa lang, inaantok na agad ito. Masyadong antukin. "Theodred and Duncan are going to the half blood's place." Oh. That. 'Yung tinakot ni Claudius sa barter, iyong half blood na may hawak ng roll na sinira rin nito. "I know someone who can give us information about that," said Theodred. Tumango naman si Claudius. "And I'm going to investigate the organizer of the auction together with Egon." Teka... "What am I going to do?" "Take care of Devian and get the facts about the cases Egon is investigating." Napasimangot siya pero mas okay na 'yon kaysa naman sumabak pa siya sa 'di inaasahang mga laban kung mayroon man. At nakakatamad ding pumunta kung saan saan. Sakto, nakisalo na rin sa usapan sila Egon at Duncan na parehong may pasa sa mukha. Nakasimangot ang isa, at ang isa naman ay walang ekspresyon. Tumabi sa kaniya si Egon kaya agad niyang sinabi ang napag-usapan. Binanggit niya ang gagawin nito kasama si Claudius, at ang mga gagawin ni Duncan at ni Theodred. "At ako, explain all the matters about the case you're investigating. Ako na ang magtutuloy habang busy kayo." Agad kumunot ang noo nito at masama siyang tiningnan. "I don't want to. Kaya ko na 'to," tanggi nito. Rinig niya ang naging mahinang tawa ni Theodred na nakikinig pala sa kanila. Ibinalik niya naman ulit ang tingin sa katabi. "Dude, you need to give it to me so you can focus about the rolls." "I can multitask." Lalong humaba ang nguso niya sa sagot nito. Gustong gusto nito ang kaso sa puntong araw ibigay sa iba? Hindi niya rin maintindihan ang utak nito minsan, o baka naman tungkol ito sa babae. "George, I think you should really give the information to Guillaume," singit ni Theodred sa kanila. Nakatanggap ng masamang tingin ito mula kay Egon. Napailing na lamang siya sa kinikilos ng dalawa. "Stop, your little quarrel will turn into fight again," the peace maker, Claudius, intervene. "Let's do it like this, Egon will focus on the case, and you," turo sa kaniya, "you'll come with me." He motion his hand to give a salute. "Yes, sir!" Inirapan lamang siya nito. At ang katabi niya naman mukhang satisfied sa mga nangyayari. "The young lad is asleep, put him on his bed," Duncan said. Tiningnan niya naman ang batang nasa bisig ni Claudius. Oh, tulog nga ito. Umagang umaga, hindi pa nga sila nagtatanghalian. Sana talaga ganiyan kadali ang buhay niya. But that's just his wishful thinking because days later, he and Claudius arrived outside a building. Ayon sa source ni Theodred, ang nag-organize ng auction ay isang business tycoon, isang tao. They are both dressed formally as they enter the luxurious place. They set an appointment, and of course, they use the emblem of the pin (that symbolizes the significance of the holder), to get the latest and fastest appointment date. Armed men gathered aroun to welcome them. Napatingin tuloy siya sa necktie niya, parehas black tulad ng mga sunod ng mga ito. Dang, now, he looks like one of them. Nakasimangot siyang naglakad kasabay ni Claudius na nakikiramdam lamang sa paligid. May dalawang lalaking sumama sa kanila sa elevator, it looks like this five star hotel is the secret base of one of the branch of the black market. Nang pindutin ng kasama nilang lalaki ang button, nakita niyang BM ang nakalagay doon. At kahit na ang arrow ay pataas ang galaw, pababa ang andar nila. A minute after, the elevator stopped. Pagkabukas na pagkabukas, bumungad sa kanila ang napakagandang lugar. It's full of luxurious, kahit ang mga lamesa't upuan ay mamahalin. He saw a vase that cost like millions. But it's not really uncommon for someone who has a pin and is part of the black market. May iilan pang armed men na nasa loob. Maraming mga pinto at malamang, marami ring ibang nasa loob. Nakakaramdam siya ng presensya mula sa isang malakas na personalidad. There are some strong persons here but this particular someone's person is truly stronger than the others. Dahil doon, nagkatinginan sila ni Claudius, buti na lamang uminom sila ng presense sealing pill, at may dala pa silang extra. "This way, Sirs." Sumunod sila papasok sa isang silid. Bumungad sa kanila ang isang malaking mesa na may mga mamahaling batong disenyo, ganoon din ang sa mga upuan. The old human lady motion her hand to let them sit. Umupo silang dalawa sa harap nito. "Anong maitutulong ko sa inyong mahahalagang Noble?" tanong nito. "The person who claimed the map that leads to great treasures is our comrade. We are here to ask you questions. Can we do that?" Uminom ng tsaa ang matandang babae. Magara ang pananamit nito at hulmang hulma ang labi dahil sa red lipstick. "Sasagutin ko hanggang sa aking makakaya. But don't expect me to give you Information that will lead me to betray the black market." Tumango tango silang dalawa. This human is weak, but she managed to sit in a high position. "We understand," sambit niya naman. "I knew you are both important Nobles, there are only few Nobles who has the pin, and fewer half bloods and humans have that. Ngunit sana ay maintindihan niyo kung hindi ko man masagot ang mga mahihirap na tanong." "No, it's not really hard, you'll just have to answer yes or no," paliwanag ni Claudius. "Naiintindihan ko, so what's it all about?" "Did a misterious person hand over the roll to you?" The old woman nodded without saying anything. There's really someone behind this shits. "Then, did he just flee after that?" The woman nod her head again for the second time. "Did you meet that person in front of your house?" Sa pagkakataong ito, umiling ito. Nagkatinginan sila ni Claudius dahil dito. "Is it in one of the human countries?" Umiling muli ito. Teka, may pin ang matandang babae. Kung ganoon... "Sa Nobilis?" singit niya. "It was before I enter the northern gate of your country." That ended their questions. Pakiramdam niya ibabalik lahat ng imbestigasyon na ito ang dati. Maraming mga hindi pa nasasagot mula noon. Kaya't maaaring sa pagkakataong ito, malaman na nila ang dapat malaman. At baka, hindi nga maiiwasan ang gyera kung ito ang habol ng mga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD