Gulat na gulat ako sa ginawa ni Ashler sa matandang lalake. Nakilala ko siya bilang cool and clam na lalake pero ngayon, I see that he’s furious at kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin siya sa lalake na binastos ako kanina. Nakayakap na ako sa kanya and I am relieved nang kumalma na siya. Kinuha ng mga staff ng club ang nabugbog na matandang lalake at inilayo ito. Nanatili sa tabi ang nakaluhod na babae at nakita ko ang ngiti sa kanyang labi at umiiyak rin siya. Nagtaka ako kung bakit ganyan ang reaction nito. Ano bang relasyon nila ng matanda. Mahigpit na hinawakan ni Ashler ang aking kamay at hinila niya ako palayo roon. Dinala niya ako sa third floor kung saan naroon ang mga private rooms. Tumigil kami sa isa, which was the same room na pinagdalhan sa akin no

