It was quiet, too quiet habang nakasakay na kami sa sasakyan at nagda-drive siya patungo sa dorm. Gumilid ako sa aking upuan at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. I look calm and collected on the outside, pero sobrang bilis at lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gulong-gulo ang isip ko ngayon at maraming tanong. Bakit nagpunta siya sa restaurant? Hinintay niya ba ako para lang igatid? What is his goal at pinilit niya pa akong ihatid? Hindi kaya gusto niya akong kausapin na mag-quit na lang sa volunteer work para hindi kami gaano magkita ng madalas? Am I that really unlikeable? I took a peek at him at syempre nakatingin siya sa daan. Pero napansin ko na mahigpit na nakahawak siya sa manibela. Masyado rin na seryoso ang kanyang mukha at hindi ko alam ang

