Lumabas ako ng locker room suot ang isang emerald green dress, which was silk and very smooth sa balat. It has a sweetheart neckline, spaghetti strap at medyo expose ang aking likod. Nakaligay ang aking buhok and I have a light makeup on my face. Malapit ng magbukas ang bar ng mga oras na ‘yon at nadoon na rin ang banda. Nilapitan ko sila, binati at nagpasalamat na rin dahil kinuha ulit nila ako bilang vocalist. Pinuntahan ko muna si Tim sa bar at kinumusta ko siya. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkita, pero nagme-message naman kami sa isa’t-isa. Para sa akin, para siyang kapatid na hindi ako nagkaroon. Nakita ko si Zmoke sa tabi na kinakausap ang kasama niyang security sa loon. Nang mapatingin siya sa akin, kumindat siya at nag-flying kiss pa. Napangiti naman ako at umiwas ako ng

