MRS. DAWNSON

1325 Words
FRIDA'S POV "Frida, pinapatawag ka ni Senyora." Sabi ni Prising. "Bakit daw?" Takang sabi ko dahil katatapos ko lang siya pakainin ay pinapatawag na naman niya ko. "Hindi ko alam eh. Nag-uusap sila ni sir Axel sa labas." " Ha? Dumating na si sir Axel?" " Oo, kararating lang niya. Saka pwede ba, dalian mo dahil pinapamadali ka kasi ni Senyora eh. Jusko! Pagod na pagod na talaga ako simula pa kaninang umaga. Ano ba ang nangyayari ngayon? Parang ang daming trabaho ngayong araw." Iritang saad ni Prising. Oo halata ko rin iyon na sobrang busy ng mga tao ngayon dito sa mansyon. Ano kaya ang meron? " Sige Prising, pupunta na ko. Saka magpahinga ka na muna. Ako na lang gagawa sa mga trabaho mo." "Gustuhin ko man Frida pero ako naman ang mapapagalitan eh." Pagod na saad ni Prising. " Prising ano ba?! Magtsitismisan na lang ba kayong dalawa riyan?" Galit na saad ng mayordoma rito. Kaya naman nataranta kami ni Prising at kumilos na kaming dalawa. Matapang ang mayordoma rito sa mansyon at lahat ng katulong ay napapagalitan niya. Kaya minsan ay naiinis na rin si Prising dahil napakasama ng ugali ng mayordoma rito. Patungo ako sa labas kung saan naroon si Senyora at sir Axel. Pagkarating ko rito ay hindi na ko nagtuloy pa dahil may dumating na mga bisita. Nagbalik ako sa loob pero hindi ko inaasahang nakahelera na ang mga katulong dito. May carpet na rin nakalatag dito na parang mga hari at Reyna lamang ang may karapatang maglakad dito. "Ikaw, ano pa ang tinatayo- tayo mo riyan?" Na kinaigtad ko. " "Pumila ka rito at magbigay pugay sa pagdating ng mag-asawang Dawnson. Manatiling nakayuko ang mga ulo at huwag sasalubungin ng tingin ang mga panauhin." Galit na sabi ng mayordoma sa amin habang nakataas pa ang isang kilay nito kaya naman nataranta ako at pumila na rin sa dulo. Katapat ko lamang si Prising habang nakayuko ito. Tumingin na rin ako sa aking tabi. Nakayuko rin ang mga ito kaya naman nabaling ang tingin ko kay mayordoma. Pinandilatan ako ng mga mata niya kaya naman yumuko na rin ako. Ilang minuto pa ang lumipas. Dinig ko ang pagbukas ng naglalakihang maindoor. Sila na ang mga bisitang mag-asawa na magulang ni Axel. Ngayon, alam ko na sobrang yaman pala ng pamilya niya. "You," boses ng babae mula sa tapat ko habang nakayuko ang ulo ko. Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap nito. Ayaw ko namang tumingin dahil kabadong kabado ako. "I said you," muli niyang sabi kaya naman tumingin na rin ako. Sa akin pala siya nakatingin habang napapailing naman ng ulo si Axel. "Yes ma'am..." Sagot ko habang lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Mabuti na lang ay hindi ako nagkanda-bulol bulol. "Follow me... I want to talk to you." Maawtoridad na sabi nito sa akin saka ito umalis sa aking harapan. Tila natulala naman ako rito. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang tinawag niya eh halos ang dami naming nakahelera rito. Kinakabahan ako kay madam. Boses at titig pa lang niya ay nakakatakot na. Napatingin ako sa mga kasama ko na halos hindi rin sila makapaniwala sa sinabi ng amo namin. Ngunit nanggagalaiti naman sa galit ang mukha ng mayordoma na akala mo naman kung sinong makatingin. Ang sarap lang niyang piktusan. Lumipas ang ilang segundo ay sumunod na rin ako sa kan'ya. Si Axel naman ay kasama naman niya ang daddy niya. Natatakot talaga ako na kami lang dalawa ni madam ang mag-uusap. Wala akong idea kung ano ang aming pag-uusapan na parang napakaseryoso naman yata. Pagkapasok ko sa loob ng opisina ay agad na pinaupo niya ko. Nag-usap lang kaming dalawa rito at maya't-maya ay naging seryoso na ang aming usapan dahil tungkol na ito sa nag-iisang anak niyang si Axel. Sa una ay hindi pa ko naniniwala na kung magawa ko ang mga bagay para sa anak niya babayaran niya ko ng malaking halaga. Pero Hindi ako pumayag dahil imposible naman na mangyari iyong gusto niya. Hayaan ko lang daw si Axel na naglalapit sa akin at okay lang naman daw kung susungitan ko ito. Hindi ko rin magets ang pinupunto niya kaya naman bigla kong naitanong sa kan'ya na direktahin niya ko. "Ma'am, mawalang galang po. Gusto ko lang ho malaman kung ano po ba talaga ang nais niyong mangyari kung bakit sa akin niyo pa ito kailangang sabihin. Isa lang po akong single mom at imposible pong mangyari na magugustuhan ako ng anak po ninyo." Turan ko. "Wala ka naman ibang gagawin Frida. Ang gusto ko lang, hayaan mo lang na asarin at kausapin ka ni Axel. Fight him kung kinakailangan. Well, hindi mo talaga ako maiintindihan dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sayo ang nais ko. Basta Ang sa akin lang, hayaan mo lang si Axel na nilalapitan ka niya. Hindi mo na kailangan magpapansin sa kan'ya dahil nakikita ko naman na siya ang lumalapit sayo." "Po? Paano niyo po nalaman?" Takang sabi ko. "Frida, maraming cctv dito sa mansyon. Tama ba ako?" "Pasensiya na po madam. Oo nga ho marami nga pong cctv dito." Sabay ngiwi ko. "Pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung ano ang balak mo. Hindi kita pipilitin Frida. Basta ang sa akin lang ay gusto kong makita kung may pagbabago ba kay Axel." Saka ito tumayo nang matapos niya itong masabi ang nais niyang sabihin sa akin. Tulala naman ako rito nang matapos naming mag-usap ni Mrs. Dawnson. Pakiramdam ko ay may mabigat na nakaraan si Axel kaya niya ito nasabi sa akin. Well, okay naman si Axel ang kaso lang kasi ay napakasungit niya at palagi niya kong inaasar. Yung araw araw ko siyang nakikita rito tapos makakasalubong ko pa siya at ako lagi ang inaasar. Parang hindi kasi kompleto ang araw ni Axel kapag hindi niya ko inaasar. Pagkalabas ko ng opisina ay bigla akong ginulat ni Axel. Nagulat ako sa pang-gugulat niya. Ang akala ko pa man din ay nakakalayo na si madam Lucy pero napatingin lang siya sa amin at napangisi. Inirapan ko si Axel. "Bakit ka ba nanggugulat ha?" Iritang tanong ko. Mabuti at wala na si Mrs. Dawnson dito. Pero okay lang naman daw sa kan'ya na mag-away kami ng anak niya. Pero kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko rin magets si madam kung ano talaga ang gusto niya. Wala naman siyang kwinento sa akin about kay Axel. Pero nakakapagtaka naman kung bakit kailangan ko pang pag-aksayahin siya ng oras at panahon. "Nothing but I miss you," nakangisi niyang bigkas na parang wala sa vocabularyo niya ang mga salitang lumabas mula sa kan'yang bibig. Napatitig ako sa kanya at tila binabasa ko sa mga mata niya kung totoo ba ang mga sinasabi niya. I don't know about this guy what's really in it. He is the type of man that you will not believe in the beautiful words that come from him because of his personality. Pero nasa akin na rin kung paniniwalaan ko siya. Pwede ko naman siya sabayan sa pagpraprank niya sa akin dahil ganun naman talaga siya mula sa umpisa. "Na-miss mo ako? Bakit naman?" Ngumisi ito na may nakakaloko sa mga labi niya. Sinasabi ko na nga ba at hindi siya mapagkakatiwalaan eh. "About you and me Frida. I miss everything. Kulang ang isang linggo kapag may araw na hindi kita nakikita." Ting! Parang may bumatingting sa puso ko na hindi ko alam kung bakit. Jusko po! Hindi totoo ang mga sinasabi niya. Niloloko lang niya ko. "Ganun po ba sir? Paano mo naman nasabi 'yan?" Nagtatakang tanong ko rito. "Gusto mo bang patunayan ko sayo?" Tumango ako. " Okay, pero huwag ka lang magrereklamo." "Sir, kailangan kong magreklamo kung nararapat. Hindi ba't ganun naman talaga ako sayo." Sabay nguso ko. Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit kinakausap ko pa itong lalaking ito. Alam niyang isa lang akong kasambahay rito na hindi dapat kinakausap ng mga amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD