Ang Supresa

370 Words
Naiinis ako sa sarili ko bakit ba kasi di ko na pa sinabi agad. “Ang tanga mo Derick ang tanga mo.” “Bakit ba kasi di mo agad sinabi? Ano nang gagawin ko? “ Iyan ang katanungang naiisip ko. Hanggang natapos yung araw na yun ng umiiwas sa akin si Pao. Hindi ko man lang magawang mag-salita para magpaliwanag sa kanya. Gusto ko sanang ikwento mula sa pinaka umpisa pero hindi man lang niya ko nabigyan ng pagkakataon noong araw na yun. Sabagay kung ako man siguro yung nasa kalagayan niya eh baka ganun din gawin ko dahil naloko ko siya . Kaya hinayaan ko nalang , papalipasin ko muna inis at galit niya ngayon para mas maayos kaming makapag-usap. Kinabukasan, sinundo ko siya at sinalubong ng mga ngiti ko. Mukhang medyo okay na siya kahit papaano ramdam ko kasi medyo nginitian nya ko pabalik. May pagkakataon na ko para sabihin ang totoo. “Pa-pa-pao. “ Pautal utal kong sambit. Ngumiti lang siya sa akin noon. Grabe para akong matutunaw sa ngiti nya. “Unang una sa lahat pasensya na hindi ko sinabi agad at hindi ko intensyon ang lokohin ka sa katunayan sasabihin ko na nga sa iyo yun noong araw na yun naunahan lang ako . Hindi ko din sinabi sa iyo agad kasi ayokong mawala ka at iwasan ako. Natatakot ako. “ Pagsumamo ko. “ Pero niloko mo pa rin ako? Baka nga hanggang ngayon ? “ Patanong niyang tugon. “ Alam mo ba noong nalaman ko yun di ba sabi ko noon may sasabihin din ako. Sasabihin ko sana noon “oo” , “oo “ na yung sagot ko sa panliligaw mo.” “ Hindi , wala na kami ni Alex . Tinapos ko na lahat sa amin. At handa akong gawin ang lahat para magtiwala ka ulit at maniwala sa akin “ Yun ang totoo. Ginawa ko nga ang sinabi ko . Hindi ako tumigil hanggang sa mabalik ko yung sa amin dati. Hanggang sa ayos na lahat. Hanggang sa isang araw medyo okay na kami ni Pao lumipas na yung ilang araw at may paparty noon para sa successful na event na naganap kaya sinundo ko ng maaga si Pao sa dorm nila at sabay na kami pumunta. Ayos sana ang lahat pero may hindi kaming inaasahang nandoon. Nandoon din si Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD