Adelina’s Point of View “Mission accomplished,” sabi ko mula sa earpiece sako ko hinubad ang takip sa aking mukha. Napaupo ako sa damuhan saka bumuga ng hangin at tumingin sa bilog na buwan. Tagaktak ang pawis ko—hindi dahil sa nahirapan ako sa misyon ko, kundi dahil sa labis na pagkataranta nang makita ko si Amadeo na hinahabol ako. Hindi ko siya napansin agad. Masyado akong naging abala sa pagpapatumba sa mga tauhan ni Maximo. Mabuti na lang at hindi niya ako nahabol. Napahawak ako sa aking dibdib. Kaylakas ng kabog nito—pero hindi ko alam kung sa pagtakbo ko ba o sa kasabikan na nakita ko siya. Alam kong galit siya sa akin. Alam kong sinira ko ang tiwala niya, pero hindi ko pa rin mapigilang matuwa na nakita ko siya. Masaya ako. Masayang-masaya ako na makita siyang nasa maayos na k

