Pagdating ko sa meeting ay buti na lang magsisimula palang sila! Buti na lang talaga! Halos kasabay ko si Ma'am Alyssa na nagpunta dito. Buti na lang may extra heels ako dito. Kung wala, mag papaa ako ngayon. Akala ko rin ay mala-late ako pero buti na lang sobrang bilis magpatakbo ni Cristano ng sasakyan. Mukhang gano'n talaga siya magpatakbo ng sasakyan. "Miss Gissele?" may isang tumawag sa akin at agad ko naman siyang nakilala. "Good morning po, Mr. Castro." Nakangiting bati ko dahil isa siya sa mga sponsorship ko sa brand niya. "Good to see you here! You know what? Lalo kang gumaganda." Alam ko naman 'yon, matagal na. "Mr. Castro talaga, bolero." Sabay palo ko sa kanyang braso, pero mahina lang. Baka pag nilakasan ko ay mawalan ako ng sponsor, my gosh! "Next time, can I invite yo

