"SABADO nang gabi nasa Cerebro Bar kami ni Faye. May usapan kasi kami nang mga ka-workmate namin na mag unwind na muna bago sumapit ang araw nang Interview na gagawin namin. Pagpasok namin sa loob marami nang tao ang nagsasaya, Naghihiyawan, at umiindak. kita ko rin ang kababaihan na halos lumuwa na ang kaluluwa sa mga suot nilang wala na 'yatang itatago sa katawan.
Umupo kami sa pinakadulo yong hindi pansinin ng tao. Nilibot ko ang paningin ko. Ngunit nahinto ang mata ko sa isang lalaking nakaupo sa isang couch at deretsong nakatingin sa'kin. Napalingon ako kay Jade nang tapikin niya ako.
"Umiinom kaba Angela?" tanong niya. isa-isa nang inilalapag nang server ang drinks namin.
"Hindi. pero try ko, Hindi naman 'ata nakakalasing 'yan diba?"
Inosente kung tanong.
"Seryoso ka? Ano'ng generation kaba pinanganak?"
Ani Jade na may seryosong mukha.
"Gaga, syempre hindi naman ako sanay sa mga pag iinom. Ayaw ni Mommy,"
"ohh. mommy's girl ka pala?"
natatawang sabi ni jade.Inilingan ko nalang siya.
"Wait, guys mamaya na. may darating pang isa." sabi ni Faye. luminga-linga pa siya na parang may hinahanap.
"Asan 'yong mukong na 'yon."
"Hi. Am i late?" Isang matangkad na lalaki ang bigla na lang sumulpot sa aming harapan. Nanlaki naman ang mata ko nang makilala ko siya. Siya 'yong lalaki na nakatingin sa akin kanina. Bakit sinabi niya na late siya. Eh, kanina pa 'yata siya dito. Sinungaling, Boyfriend kaya siya ni Faye?
"Guys. This is Hendrick, my brother." sabi ni Faye. Kapatid sila? Ngayon ko lang napagtanto may hawig nga sila.
Binati niya isa-isa ang mga kasama namin. Pero nang dumapo na sakin ang mata niya. Bigla nalang lumakas ang kabog nang dibdib ko. s**t. I'm in trouble. lumapit rin siya at kinamayan ako.
"Hi. I'm Hendrick Saavedra. You are..?"
"Angela Salazar." maikli kung sagot. Hawak niya padin ang kamay ko. at pinipisil-pisil niya rin ito.
Kung hindi lang ako Man-hater. baka ma-attract ako sa kanyang itsura. Mula sa mapungay niyang mata. Na kung tumitig nakakahalina. Matangos na ilong at mahahabang pilikmata. May bigote rin siya sa panga na lalo yata nakaragdag sa ka-gwapuhan niya. Nakasuot siya nang simpleng V-neck gray t-shirt, and black pants. pero litaw na litaw pa rin ang kapogian niya. Wait, bakit ko 'ba pinipuri ang lalaking 'to. Eh, diba nga ayoko sa lalaki? dapat iwasan ko siya.
Sa itsura niyang 'yan, Malabo na wala pang pinaiyak 'yan.mukha pa naman siyang playboy. 'yong tipo na liligawan lang tapos paiiyakin lang sa huli.
Napasimangot ako sa naisip. Tsk.
"Baka patay na ang kapatid ko sa isip mo. Angela," napatitig ako kay Faye. Tinaasan lang ako nang kilay habang nagkatawanan naman sila Joy, Jade, And Anne. mga Siraulo. Kilang -kilala na talaga nila ako.
Nakaupo na kami ngayon sa pabilog na couch. Katabi ko si Jade. habang si Joy at Anne nasa kabilang side ni Faye. Pinagigitnaan naman namin ni Faye si Hendrick.
P'wede naman siya maupo sa tabi nang kapatid niya sa kabila..ba't sakin pa. hayss... Tukso layuan mo ako!
"MADALING araw na nang maisipan naming umuwi. Si Joy at Jade ay nauna nang lumabas kanina.Naiwan naman kami nila Faye at Hendrick. Pero si Anne. ayun, nakahanap nang ka lampungan ang bruha. kaya nagpa-iwan.
Nahihilo narin ako at napadami ang inom ko..Bukod sa hindi naman ako sanay. Kaya seguro madali lang akong malasing.
Gume-gewang na ako pero kaya ko pa naman. Si Hendrick parang wala lang. Ginawang tubig ang ininom niya kanina. sanay na 'ata kasi.sabagay lalaki naman siya.
Nasa tapat na kami nang kotse ni Faye. Ihahatid kasi niya ako. wala naman kasi akong sasakyan. Hindi namin afford ni mommy.
"Beshy. Sorry, hindi kita mahahatid. Ok lang ba kung si kuya na lang ang maghatid sa 'yo?"
"No!
"Yes!
Sabay pa naming sagot ni Hendrick. Ayaw ko nga lumapit sa kanya tapos ihahatid pa ako samin?
Kaso,.wala na akong masasakyan. madaling araw na. panay na rin ang text ni Mommy.
"Mag tataxi nalang ako," sabi ko. ngumiti pa ako para kapani-paniwala.
"No, Ihahatid na kita. masyadong delikado kung sasakay ka na lasing." sagot naman ni Hendrick. hinawakan din niya ang kamay ko at hinatak papunta sa isa pang kotse na katabi lang nang kay Faye. Aangal pa sana ako pero agad niya ako ipinasok sa shotgun. Kinawayan ko nalang si Faye.
"Kuya. seguraduhin mo na makakauwi nang safe si Angela, mag behave ka. Kaibigan ko 'yan, Mananagot ka sa 'kin pag ginalaw mo siya."
"Tsk..I know what to do. Ikaw saan kapa pupunta?"
"Basta, si Angela ha. uupakan kita," parang gusto ko tuloy matawa sa pag sasagutan ng magkapatid. Pero na -touch naman ako sa.concern ni Faye.
Seguro maloko talaga itong kuya niya. Hindi naman niya sasabihin 'yon kung matino 'to. pero kinalma ko ang sarili may tiwala ako kay Faye. Hindi naman niya ako hahayaan na mapahamak.
"Seatbelt," maikli niyang baling sakin.
Saka niya pinaandar ang kotse niya. maya-maya pa nilingon niya ako.
"Saan ka nakatira?"
"Makati."
"Adress?
"Palanan Street."
Hindi na siya sumagot at nag tuloy-tuloy siya sa pag drive. hindi pa kami nakakalayo nang biglang nag akyatan ang lahat nang nainom ko sa bibig ko.huli na bago pa maka iwas si Hendrick nasukahan ko na siya.
"Oh. Sh*t!"