Naglibot kami sa loob ng intramuros. Gumawa siya ng video dahil 'yon talaga ang hilig niya. May sarili siyang YouTube channel kung saan ina-upload niya 'yung mga video na ginagawa niya sa tuwing may pupuntahan siyang lugar. Marami na rin siyang lugar na napuntahan nang kasama si Alexa, at ito na ang ikatlong beses na gagawa siya ng video nang kasama ako. Kinuhanan niya ng video ang bawat lugar, minsan ay nakikita kong vinivideo-han niya ako habang nagbi-bike kaya naman sinasagasaan ko siya ng bike kapag nakikita ko. Nagawa pa naming magkarerahan ng bike habang nag-v-vlog siya. Ganito lang naman ang gusto ko, 'yong may kasama ako sa mga ganitong bagay. 'Yong simple lang naman ang gusto ko, hindi naman ako naghahangad ng sobra. I can't deny the fact that I am the happiest when I am with

