Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay sa paligid. Ano ba 'yon? Bakit ang ingay-ingay? Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at unang bumungad sa'kin ang puting pintura ng kisame. Puti? wala namang puting pintura ang kwarto ko. This is not my room. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Mommy at Daddy na nakaupo sa may dulo ng hinihigaan ko.
"M-mom," napapaos kong tawag sa kan'ya.
Nagtataka man ay agad ko ring sinuri ang paligid at nagulat ako nang makita ko ang dextrose na nakakabit sa'kin. Anong ginagawa ko sa hospital? Wala akong maalala.
"Peter, gising na anak natin." Agad namang lumapit sila daddy at mommy sa akin.
"Baby? How are you? Kamusta ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong nito.
"I-m fine mom," nanghihina kong tugon.
"Sophia, hindi ko na nagugustuhan ang sobrang pag-aaral mo." May pangangaral na sabi ni Daddy sa'kin. "Ang sabi ng doctor na over fatigue ka kaya nawalan ka ng malay."
I passed out? Bakit hindi ko matandaan? Argh! Parang binibiyak ang ulo ko. Sa pagkakaalam ko hindi naman ako nag-aral ng dalawang araw dahil okupado ng isip ko si Adrian. Teka?! Hindi ba at nasa Cebu sila?
"Dad? Nakabalik na pala kayo?"
"Baby, kahapon pa kami nakabalik. Wala ka bang maalala?" sagot naman ni Mommy.
"Sophia, I know anak na gustong-gusto mong makapasok sa AU pero dapat ipahinga mo rin 'yang utak mo," pangangaral ni daddy sa'kin. Napatango nalang ako dahil wala naman akong lakas para makapag-salita pa ng todo. Parang ang bigat-bigat ng katawan ko at parang may kung anong tumutusok sa puso ko.
Sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto at tumambad sa paningin ko si Adrian kasama ang hindi ko kilalang babae na nasa tabi niya. May bitbit silang prutas. Sino siya? Bakit sila magkasama ni Adrian? Bigla namang sumakit ang ulo ko at parang nag-flashback lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay. Patricia! sigaw ng isip ko. Siya 'yong inampon nila mommy at daddy. Bakit sila magkasama ni Adrian?
"Tabachoy, gising ka na pala." Biglang lumapit si Adrian sa'kin at inilagay ang dalang supot sa lamesa. Hindi ako umiimik at panay lang ang sulyap ko kay Patricia na kausap na sila Mommy at Daddy. Hindi ko alam pero naiirita ako sa kanya.
"Hoy!" pukaw-pansin ni Adrian at iwinagayway pa ang kamay nito sa harap ng mukha ko.
"Bakit mo siya kasama?" mahinang tanong ko sa kan'ya.
"Sino? Si Pat ba?"
Pat?! Ganoon na ba sila ka-close para tawagin niya sa palayaw ang babae?! Napasimangot naman ako at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Pat? Close na kayo niyan?" paismid kong tanong sa kan'ya habang nakatingin parin kay Patricia na ngayo'y nakaupo na sa may upuan sa gilid. Hindi ito tumitingin sa gawi ko at nakayuko lang ito.
"Ahh, medyo nahahabaan kasi ako sa Patricia, kaya Pat nalang." Napakamot pa ito sa ulo habang parang bata na nahihiya.
Nagpaalam naman sila Mommy at Daddy dahil uuwi lang daw muna sila at sila Adrian at Patricia muna raw ang magbabantay sa'kin. Now what?! Maiiwan kaming tatlo rito?
Nabibingi na ako sa katahimikan dahil wala ni isa sa'min ang nagsasalita. Si Adrian ay nasa gilid ng hospital bed nakaupo habang si Patricia naman nasa dulo. Ayaw kong maging bastos pero ayaw ko talaga sa ideya ng mga magulang ko na ampunin siya. Hindi ko alam kung bakit pero kahit wala itong ginagawa sa'kin ay naiirita ako sa kanya.
"Adrian, labas ka muna bilhan mo ako ng pineapple juice," utos ko kay Adrian.
Bigla namang napaangat ng tingin si Adrian sa'kin at nalilitong nagtanong.
"Pineapple juice? May prutas ka naman," saad nito at itinuro ang prutas na nasa lamesa.
"Sige na, gusto ko nga 'yong pineapple juice, ADRIAN," pagdidiin ko sa pangalan niya.
"Uh, ako nalang ang bibili." Pareho kaming napalingon kay Patricia nang magsalita ito. Napakahina pa ng boses niya at panay ito sa pagyuko na parang nahihiya. Bigla namang napatayo si Adrian atsaka dali-daling lumabas ng kwarto. What the heck? Ang bilis niyang nakaalis huh? Kani-kanina lang ayaw niyang magpa-utos.
Kaya ko pinalabas si Adrian dahil gusto kong kausapin ng masinsinan si Patricia. Gusto ko siyang prangkahin dahil ayaw matahimik ng sistema ko at kahit na wala siyang ginagawa ay hindi ko talaga siya feel.
"Patricia," tawag ko sa kan'ya.
Parang nataranta naman ang babae sa pagtawag ko dahil bigla itong napatayo at agad na lumapit sa'kin.
"Sophie, bakit? may masakit ba sa'yo? Teka, magtatawag ako ng doktor," natatarantang sabi nito.
Makikita sa pagmumukha niya na kinakabahan siya at 'yong mga mata niya ay hindi makatingin sa'kin nang maayos. Mahiyain siya at kitang-kita naman sa mga kilos nito. Pinasadahan ko siya ng tingin at nakita kong nakasuot siya ng lumang damit. Isang itim na polo blouse ang suot nito at mahabang palda na abot na ata hanggang sa talampakan. Wala ba siyang matinong damit? Parang noong isang araw rin noong una ko siyang nakilala ay luma rin ang suot nitong damit.
"It's okay Patricia, I'm fine." Para namang nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil biglang napahawak si Patricia sa dibdib niya at napaupo sa upuan na nasa gilid ng hospital bed.
Gusto ko sana siyang komprontahin at sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kan'ya. Pero may bahagi sa puso ko ang naaawa. Nasabi sa'kin ni Daddy noon na ulila na siya. Her face is really looked like Virgin Mary atsaka napakinis ng mukha nito ngayong nakita ko na siya ng harapan. I felt pain at biglang pumasok sa isip ko ang pagkukumpara which I never ever did in my whole life. Hindi ako 'yong tao na ma-iinsecure sa iba, I'm so confident to my own beauty and intelligence pero bakit ngayon ay parang nanliliit ako sa sarili ko? Bigla ko namang naalala ang mukha ni Adrian noong makita niya si Patricia, he never stared to any woman before except me. Kung titigan niya si Patricia ay kakaiba and that's the first time I saw him looked like that. I feel a little sting in my heart at napahawak naman ako sa dibdib. Heto na naman tayo, bakit ba sumasakit ang dibdib ko kapag naiisip ko 'yon?
"Sophie? Okay ka lang ba talaga? Tatawagan ko sila Ma'am Ingrid at Sir Peter para papuntahin dito." Atsaka inilabas ang de-keypad nitong cellphone. Saang bundok ba 'to si Patricia nakatira? Una, ang luluma ng mga damit niya tapos ngayon de-keypad 'yong phone niya.
"No worries Patricia, no need to call them."
"Ganoon ba?" Atsaka ibinulsa ulit ang hawak nitong cellphone.
"Pasensya ka na ha?"
Nagulat naman ako dahil biglang sumeryoso ang pagmumukha niya habang humihingi ng pasensya.
"For what?"
"Kasi, inampon ako ng mga magulang mo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kailangan ko humingi ng pasensya sa'yo." Mahina ang boses niya habang nagsasalita at nakatanaw lang ito sa kisame at parang napapansin ko na pinipigilan niyang umiyak.
Napabuntong-hininga ako. Yes, it's true ayaw ko sanang ampunin siya ng mga magulang ko. But it's their decision. Naaawa ako sa kan'ya pero hindi rin mawala 'yong inis ko sa kan'ya na hindi ko alam kung saan nagmumula.
"I'm not gonna say na it's okay for me," prangkang saad ko rito. Mula sa pagkakatingala ay naibaling nito ang paningin sa'kin.
"In my seventeen years of existence ay mag-isa ako and boom! may kapatid agad ko."
Napatigil ako sa pagsasalita at tinitigan siya.
"Sanay ako na walang kaagaw," seryosong saad ko habang nakatitig pa rin sa mga mata nito.
I do really want to be honest with her dahil 'yon naman talaga ang gusto kong mangyari. I want her to know that I'm not comfortable having her around. This may sounds selfish to all of you but I wont invalidate my feelings just because I pity her and everybody feels sympathy towards her. Hindi pwede! She needs to know and this is the right time to let her know about this, the sooner the better.
"Honestly, I don't like you," prangkang ani ko kay Patricia.
The shocked on her face is visible at kitang-kita ko kung paano ito nagpigil ng luha. I pity you, Pat. But I don't need a sister, sanay akong mag-isa at walang kahati.
"Sophie."
Sabay kaming napalingon sa pinto at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Adrian na nakatitig sa'ming dalawa habang may bitbit na pineapple juice sa kaliwang kamay. Hindi ko alam pero parang nanlamig ako dahil narinig ni Adrian ang sinabi ko kay Patricia and the way my best friend looks at me now is full of disappointment.