TTW8

1463 Words
I am hurting pero wala naman akong magawa kundi umiyak na lang. I'm tired and dapat hindi ko ito iniiyakan pero wala akong magawa eh, it's piercing through my heart at kailangan kong ilabas lahat ng sama ng loob ko. I grab my laptop at tinignan ko sa friends list ko kung online ba ang nag-iisang pinsan ko na si Margaux. Si Margaux ay anak ng tita't tito ko sa mother side kaya she's my cousin. Noon lagi siya dito nagbabakasyon tuwing sembreak noong nasa Pilipinas pa sila pero nag-migrate na ang pamilya nila at nasa California na sila ngayon naninirahan. But always keep in touch naman dahil sa sobrang close talaga kaming mag-pinsan. Naikwento ko na rin sa kanya 'yong kay Patricia at pati na rin 'yong feelings ko kay Adrian. She's online agad ko siyang minessage. I want someone to talk to para na kasing sasabog ang puso ko. Me: Hey. Margaux: Hey, what's up? Me: Can I call? Pagkatapos kong e-send 'yon ay agad akong nakatanggap ng call from her. Hays, alam kong nag-aalala na ang pinsan ko sa'kin dahil halos araw-araw na niya atang nakikita akong nalulungkot. "I told you before right? Bakit ba kasi hindi mo sinabi 'yong opinion mo about Patricia's adoption. Halos araw-araw ka nalang umiiyak Sophie," sabi ni Margaux. "Couz, I tried but mom said Patricia really needs our help atsaka naka-fix na sa isip nila e-adopt siya," sagot ko naman. "And now, you're the one suffering. Ni hindi nga nila alam na nagkakaganyan kana, mas tutok pa sila sa ampon nila. That's crazy!" galit na sabi ni Margaux. Napa-iyak naman ako. They don't need to know, I'll suffer this alone. "Couz, stop crying. Hindi ka naman dating ganito." "I'm sorry Margaux, ikaw nalang lagi 'yong napaglalabasan ko ng sama ng loob." "You know that I'm always here for you right?" Tumango naman ako at nagpaalam na dahil alam kong kailangan na rin magpahinga ni Margaux. Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko. Gusto ko sanang lumabas pero mahahalatang galing ako sa iyak at siguradong magtataka lang sila. Isang linggo ang nakalipas simula noong humingi ng permiso si Adrian kay daddy para ligawan si Patricia, ni kahit ang magpakita sa kanya ay hindi ko ginawa. Hindi rin ako masyadong kumikibo at kung lalabas man ako ng kwarto sinisiguro ko talaga na may bitbit akong libro para hindi nila ako subukang kausapin. I don't wanna talk, I don't wanna face them. "Kinakabahan ako," si Patricia. Nandito kami sa sasakyan ngayon at hinahatid kami ng driver namin sa AU. Sa kasamaang palad ay same strand ang kinuha namin, ABM strand. Ako lang naman ang nag-iisang anak nila daddy at mommy, ako 'yong mag-mamanage ng sariling business namin kaya kumuha na ako ng ABM for preparation na din sa kukunin ko sa College. "Just breath and you'll be fine," sagot ko sa kanya atsaka ibinalik ulit ang paningin ko sa cellphone na hawak-hawak ko. Pagpasok namin sa Campus ng AU ay agad na kaming pinagtitinginan ng mga tao. Lalong-lalo na si Patricia. Panay lamang sa pagsuri ng paligid ang katabi ko hindi niya na namamalayan na pinagtitinginan siya ng mga estudyante. "New students? Grabe ang gaganda, pero mas maganda 'yong matangkad," rinig kong bulungan sa paligid. I know people. I really know, swear. Alam kong mas maganda siya, mas may appeal atsaka paborito na rin siya ng mga magulang ko. Crazy right? kahit ako 'yong anak nila mukhang nakakalimutan na nila ako dahil kay Patricia. "Bulaga!" "Yah!" sigaw ko kay Adrian. Nagtago kasi ito sa likod ng gate kaya pagpasok namin ginulat niya kami kaagad. "Pat, ako na." Itinuro naman nito ang bag na dala-dala ni Patricia. Ni hindi ako nililingon ni Adrian, mukha bang invisible na ako? "No Adi, ako na. Nakakahiya naman," sagot ni Patricia. "Pat, nililigawan na kita and it's normal to do things like this." Hindi ko na natiis ang pag-uusap nila. Adrian never treats me that way. Hanggang kailan ba ako masasaktan? Patakbo akong umalis sa likuran nila. Kahit nga noong umalis na ako ay hindi pa nila napapansin ang presensya ko mukhang may sarili na silang mundo na sila lang ang nag-eexist. Paano naman ako? saan ako lulugar? Naramdaman ko naman ang pag-init ng sulod ng mga mata ko, mas binilisan ko pa ang pagtakbo kaya hindi ko namalayang may nabunggo na pala ako. "Aray!" "Sorry Sophie," saad ng lalaki. Bat niya ako kilala? Agad ko namang itinaas ang paningin ko at nagulat nang makita ko si Jaspher. "Jaspher?!" gulat kong tanong. "Hi," he smiled. "What are you doing here? Akala ko ba sa America ka na mag-aaral?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko kasi kayang iwan 'yong babaeng matagal ko nang minamahal dito sa Pilipinas eh," sagot nito atsaka tumitig sa'kin. Bigla naman akong nahiya at agad-agad pinulot 'yong mga gamit ko na nasa sahig. "Paano 'yan? Naiwan ka mag-isa rito sa Pinas? Di ba mag-mamigrate kayo di ba?" "My family is in Chicago right now, nagpa-iwan lang talaga ako rito. Ayaw ko kasing umalis." "Ah ganoon ba? hindi ka ba nahihirapan? Sinong mag-aalaga sa'yo?" tanong ko sa kanya. "Pwede ikaw?" diretsang tugon nito. Nagkatitigan lang kami at sabay kaming napatawa. Hindi naman kasi bago sa'kin 'tong mga ganito ni Jaspher eh, noon paman ganito na talaga ang lalaki sa'kin. "I miss you," saad ko. Napatakip naman ng bibig si Jaspher sa'kin at gulat na gulat itong tumingin sa mukha ko. "Sinasagot mo na ako?" masayang tanong nito. "Hindi, assumero mo rin eh no." Tumayo na ako at saktong naabutan ako nila Patricia at Adrian dito sa hallway na kausap si Jaspher. Agad namang lumapit si Adrian sa'kin at hinablot niya ang kamay ko. "Aray! Ano ba Adrian, nasasaktan ako." "Pre, nasasaktan si Sophie," mahinahong saad ni Jaspher kay Adrian. "Bat mo siya kinakausap? Akala ko ba hindi mo 'yan gusto?" may galit na tanong nito. Anong drama na naman 'to? Bakit ba siya nangingialam. Hinablot ko pabalik ang kamay ko na mahigpit niyang hawak. "Ano ba Adrian! Jaspher is a close friend of mine. Kung sagutin ko man ang panliligaw niya. Wala kang pake ro'n!" Hinawakan ko ang kamay ni Jaspher at sabay kami naglakad at iniwan si Patricia at Adrian doon. Hindi ako umiimik at patuloy lang ako sa paghila sa kamay ni Jaspher hanggang sa nakaabot kami sa cafeteria. "You alright?" tanong nito. May bahid na pag-aalala ang mukha nito na nakatingin sa'kin. "Yeah, I'm fine Jas. Sorry nga pala sa inasal ni Adrian." "Sanay na ako kay Dela Costa," saad nito. "What do you mean?" takang tanong ko. "Lagi naman siyang gan'yan noon pa man. Kaya walang nagtatagal na manligaw sa'yo. Binabakuran ka ng gago." Akala ko lang noon talaga napagod lang 'yong ibang nanliligaw sa'kin dahil sa paghihintay kaya hindi ito nagtatagal. Hindi ko naman akalain na tinatakot pala ni Adrian. Ayaw ko nang lagyan ng malisya pa 'yon dahil alam kong trip niya lang takutin ang mga manliligaw ko noon at wala ng iba pang dahilan. "Sino nga pala 'yong babaeng kasama niya?" Napalingon naman agad ko dahil sa tanong niya. Napa-buntong hininga ako. Pati ba si Jaspher ay mawawala ba sa'kin dahil kay Pat? "Don't worry hindi ako attracted sa kan'ya promise," sabi nito. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung bakit bigla niya lang siya nagsalita nang ganoon. "Kitang-kita kasi sa mukha mo 'yong iritasyon nang mabanggit ko 'yong babae." Kahit hindi ko pa siya tinatanong eh alam niya na agad ang sagot. Bilib na talaga ako kay Jaspher mukhang nababasa na niya kung anong nasa isip ko. "She's Patricia, my adopted sister." "Mas maganda ka naman doon." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. I appreciate his effort para pagaanin ang loob ko. He's not asking some details, nand'yan lang siya sa tapat ko at tinitignan lang ang bawat reaksyon ng mukha and I find it very cute to watch. "You think so?" "Oo naman, you look more beautiful Sophie. 'Wag sanang mawala 'yong confidence mo about yourself. That's what I really like about you. The way you carry yourself, you stand with confidence na kahit sinong lalaki ay gugustuhin ka." I blushed when he said that at my face. Jaspher is really something. Matagal na rin itong nanliligaw sa'kin at kahit na isang beses hindi ito sumusuko. Matalino rin ito, he's always behind me in everything. Mapa-academics man o sa ibang aspects. He always looked clean and fresh. Hindi ko lang talaga alam sa sarili ko bat hindi ko magawang magustuhan si Jaspher. "That Adrian, ang swerte niya nga dahil nasa tabi ka niya palagi," si Jaspher. "f**k him for making you cry." Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil biglang may announcement at nasapawan na ng malakas na boses ang huling sinabi ni Jaspher.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD