Dinala ako ni Adrian sa isang adventure park. Pagkababa namin ng sasakyan ay dumiretso kami sa isang maliit lang na building para i-confirm ang pina-reserve ni Adrian na isang cabin house para lang sa aming dalawa. Medyo marami ang tao na nakikita kong nandito pero hindi 'yong tipo na crowded talaga ang place. Gulat nga ako no'ng malaman ko na mag-o-overnight kami. Wala akong dalang ibang gamit at damit na pamalit. Akala ko kasi na simpleng date lang, hindi niya naman sinabi na magpapalipas kami ng gabi rito. Masaya sa pakiramdam na nakakakaba rin. Ang dami kasi naming puwedeng gawin dito. May zipline, drop zone, razorback mountain, atsaka marami pang iba. 'Yong tipo ng mga activities na ma-fe-feel mo 'yong rumaragasang adrenaline rush mo. Sinamahan naman kami ng isang tour guide papunt
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


