Everything is so awkward na kahit ang planong pag-rerelax ko dapat ay parang nadagdagan pa ng sampung-libong stress na ngayon ay dala-dala ko. Hanggang sa nakauwi na kami ay ganito pa rin. Para kaming mga robot na walang imik sa isa't-isa. One week ko na ring hindi makontak ang kasintahan kaya okupado rin ang isip ko dahil kay Jaspher. "Kamusta ang lahat?" tanong ko sa mga staff ko. Nakangiti akong bumati sa kanila isang umaga. "Okay naman boss! Wala naman pong problema rito. Kamusta po ang bakasyon niyo?" sagot ng isa kong tauhan. "Naku! Huwag mo nang tanungin. Mas na-stestress ako kapag naiisip ko lang." Umiling ako atsaka iniwan na sila. Dumiretso ako sa opisina dahil ang dami kong trabahong nakatambak ngayon. Problema ko pa si Jaspher na hanggang ngayon ay wala akong nakukuhang ba

