Shawn's POV
Isang linggo na ang nakakalipas nu'ng magkita kaming dalawa at iyon na ang huli ulit naming pagkikita. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako o busy lang siya dahil laging puno ang sched niya.
Alas otso ng gabi at nandito kaming apat sa isang bar ni Sid na kapapatayo pa lang pero dinumog na agad ng mga tao. Kakauwi lang ng gago galing China. Hinihintay naming dumating si Ace bago kami magsimula.
"Sa tagal ng panahon,
kamusta ka na ba?
Kamusta na ba siya?"
Nagtawanan ang mga gago dahil sa pamungad na entrance ni Ace.
"Tangina ka Voughe." utas ni Trick
"Oh ba't ka nagyayang mag-inom dude?" pang-asar na tanong ni Ace
Hindi ko ito pinansin at agad na umorder ng bourbon.
"Nagkita na kayo?" tanong ni Jake sa akin kaya tumango ako
Walang nagtangkang magsalita sa aming lima. Lagok lang ako nang lagok ng alak.
Makalipas ang isang oras ay tumayo sina Jake at Ace.
"Dude una na ko, mag-isa lang kasi si Jackie sa bahay kaaalis lang nina Mama." sabi ni Jake
"Gusto pa sana kitang makitang umiyak kaso kailangan ko na ring umuwi, hanap na ko ni tibo." nakangising sabi nito at saka ako tinapik sa balikat
Hindi ako umimik.
"Sibat na kami."
Nakita kong tumango si Sid at Trick, kasabay noon ay ang muli kong paglagok ng alak.
Kahit na sanay na ako sa pagdaloy ng mapait na tubig sa lalamunan ko ay napapapikit pa rin ako kapag nilulunok ito.
Nakita kong ibinaba ni Sid ang pangatlong baso niya ng brandy.
"Hina mo ata ngayon dude?"
Saktong pagkatanong ko ay suminok din ako.
Am I already drunk? Nakakawalong baso pa lang ako, ah?
"May meeting ako bukas dude." sagot nito
Napangisi ako, busy pala ang mga ito pero sinamahan pa rin akong magwalwal.
Sumakit ang ulo ko pagkagising ko. Padabog kong sinapak ang alarm clock na gumising sa akin.
"Shit." usal ko nang muli na namang tumibok ang ulo ko
Napatingin din ako sa suot ko—mukhang kagabi pa ito.
"Nakailang baso ba ko?" inis kong tanong sa sarili ko matapos bumangon. Pilit na inaalala ang nangyari kagabi.
Pagkalabas ko ng banyo ay umilaw din ang cellphone ko.
From: Keegan
Alonzo, may dalawang oras ka pa para makaabot sa meeting. Siraulo ka talaga!
Napailing ako pagkabasa ko sa text ng abnormal na 'yon.
Ipinagpipilitan niya pa rin na Alonzo ang apelyido ko dahil 'yun ang apelyido ng tatay ko.
Matapos kasi ng treatment ko sa States ay pinapili ako ni tanda kung anong apelyido ang gusto kong dalhin dahil iyon ang napagkasunduan ng magkabilang partido.
Obviously, dala dala ko pa rin ang Dela Cortez hanggang ngayon.
Habang inaayos ang tie at hinihintay ang pagsara ng elevator ay may sumigaw mula sa labas.
"Shemay hintayin mo ko kung sino ka man!"
Ang nakakunot kong noo ay muling napalitan nang pinipigilang ngisi kasabay nito ay ang pagpasok ni Jade.
Nanlaki ang mata niya pero pumasok pa rin.
"Salamat." naiilang nitong sabi
Bigla akong dinaga sa sinabi niya, parang muli ko na namang naramdaman ang tama ng alak kaya hindi agad ako nakasagot.
"May meeting ka?/May shooting ka?" sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami.
Iniwas niya ang kaniyang mata sa akin saka sumagot ng isang tipid na, "Ata."
"Meron." napangiti ako
Mukhang eto talagang elevator na 'to ang magiging daan ng araw araw naming pagkikita.
Habang iniisip ko kung bibilhin ko ba itong building na ito ay siya namang pagtunog ng telepono niya.
Mula sa gilid ay masusi kong sinisilip kung sino iyon.
Nalintikan na, mukhang facetime pa ata iyon.
Nag-init ang tenga ko nang marinig ko kung kaninong boses iyon.
"Tina!"
Marahan akong huminga.
"Tina-tina, tinatangina talaga ko ng bading na 'to." bulong ko
Kahit pilitin kong 'wag makinig sa usapan nila ay hindi ko mapigilan. Kung ano anong kalandian ang pinagsasabi ng bading na 'to kay Jade.
Malakas akong umubo.
"May kasama ka sa elevator?"
Napangiti ako sa tanong ni bading. Hihintayin ko pa sana ang sagot ni Jade nang bumukas na ang elevator.
Nauna na naman siyang lumabas.
"Shit." mura ko habang kinakapa ang susi ng Ferrari ko.
"Siraulo ka talaga Alonzo, muntik ka na namang malate." siniko ako ni Keegan kaya napadaing ako sa sakit.
Lechugas na babae 'to.
"May tanong ako."
"Ano?" nakatingala niyang tanong dahil medyo matangkad ako sa kaniya
"Sino bang amo sa ating dalawa?"
"Ikaw." malakas nitong sabi habang nakataas pa ang kilay.
"Mabuti na 'yung nagkakaintindihan tayo." sabi ko at nauna ng maglakad sa kaniya
Jade's POV
Huminga ulit ako ng malalim bago pumasok sa van na araw araw na sumusundo sa akin dito sa condo.
Alam kong hindi ko siya maiiwasan pero masyado talaga akong kinabahan kanina.
"Mela parang masama ata pakiramdam ko ngayon." sabi ko kaya nataranta ang mga nasa loob at dali daling hinawakan ang noo at leeg ko.
"Wala naman Ate—"
"Ah wala ba? Akala ko meron."
Umayos ako ng upo at saka tinanong kung anong oras ang taping.
"Wala kang taping ngayon Ate Jade." sabi ni Mela kaya ibinaba ko ang hawak kong tubig
Lumingon siya sa akin at ngumiti, "Ipapakilala pa lang ang mga kasama mo sa panibagong drama na gagawin mo."
"Ah," tumango tango
Ang sabi sa akin ni Mela ay si Chaos Avenido daw ang kasama ko sa panibagong drama ko.
Matagal ko na itong kilala dahil ilang beses na rin kaming sina-suggest ng madla na pagtambalin.
Nang makarating kami sa building ng CBX Network ay isa-isa akong nakipagkamay sa mga magiging kasama ko sa drama.
Mukhang si Chaos na lang ang hinihintay namin upang makapagsimula at sumakto naman ang dating niya.
Habang tinitingnan at sinusuri ang script, plot, characters na gagampanan namin ay biglang tumawa si Chaos at si Tita Eva—ang direktor.
"Bakit ako ang napili mo dito Tita?" tanong nito
Humalakhak muna si Tita Eva bago nagsalita, "Nararamdaman kong magiging big hit ang drama na ito. Hindi ba Jade?"
Kahit na naiilang ay ngumiti naman ako.
Ngayon ko pa lang makakatrabaho si Chaos kaya pakiramdam ko ay mape-pressure ako dahil isa siya sa mga kilalang aktor at ito rin ang unang beses na magtatambal kami.
I don't know him personally, kilala ko lang siya dahil sa paggawa niya ng sariling pangalan sa industriya kahit na anak siya ng sikat na mga artista.
Isa-isang nagsilabasan ang mga tao sa silid matapos ng meeting.
Naiwan ako at si Chaos na seryosong nakatingin sa script. Mukhang pinag-aaralan niya ito ng mabuti.
Aalis na sana ako ng bigla niya akong tawagin. Lumingon ako at napansin kong nakatayo na siya.
"Sabay na tayo, ayokong maiwan dito. May white lady daw dito, eh."
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mukha niyang may ngiti sa labi.
"Anyway, nice to meet you Jade Madrid. Nakita na rin kita personally. I'm glad na tinanggap mo ang offer na 'to."
Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad at nagshake hands kami.
"Nice meeting you, too."