Chapter 6

1446 Words
Jade's POV Nasa kalagitnaan ako nang pagtatanggal ng falsies dito sa dressing room dahil kakatapos lamang ng interview sa aking sa Magandang Life na naka-schedule ang airing sa susunod na linggo. Nabaling ang atensyon ko kay Mela na kakapasok lamang habang bitbit ang isang paper bag. "Pamalit ko na ba 'yan?" tanong ko rito at saka itinuloy ang aking ginagawa "Yes Ate Jade, nandito na rin 'yung mga make-up remover mo." sagot nito sa akin matapos ay inilapag ang dalang paper bag sa gilid ko. Lumapit naman siya sa akin para tulungan akong alisin ang mga hair pin na nakakabit sa aking buhok. Habang payapa naming inaasikaso ang aking sarili upang makauwi na ay tumunog ang telepono ni Mela, binitawan naman nito ang pagkakahawak sa buhok at saka dinukot ang walang tigil sa pagtunog at vibrate niyang cellphone sa bulsa. Nasipat ko ang nagmamadali nitong repleksyon sa salamin at lumabas na ng silid. Nagkibit balikat na lamang ako, mukhang emergency ata. "Daan tayong Yellow Cab, magta-takeout ako ng dinner ko." sabi ko kay kuya Danny "Sa malapit na ba sa condo niyo or ito pong madadaanan na natin?" nakasipat na tanong niya sa akin "'Yung malapit na lang po sa condo Kuya." nakangiting sagot ko, nang mapansin na hindi sa amin sumabay si Mela ay muli akong nagtanong kay Kuya Danny. "Kuya bakit hindi natin kasabay si Mela?" "Ay nako Ma'am, dumiretso ng agency po at may biglaang meeting po ata kasama si Ma'am Kyla." tugon niya sa akin na hindi inaalis ang tingin sa daanan. Mahigpit kong hawak ang aking mga dala kong naglalakihang bag at apat na New York size boxes ng pizza sa magkabilang kamay habang tinatahak ang daan patunggong hagdan. Kahit na alas-onse na ng gabi ay hindi ko pa rin tinangkang mag-elevator dahil sa takot na makasabay ko na naman si Shawn, mahirap na. Buong puwersa kong tinutulak ang pinto ng emergency staircase, wala ng masyadong tao dahil anong oras na rin naman kaya hindi na rin ako masyadong nababahala sa itsura ko ngayon. Isang malakas napaghila ang bumungad sa akin na naging dahilan upang sumubsob ako dibdib nang nagbukas ng pinto. "s**t, okay ka lang?" Matagal na nagproseso sa utak ko ang isang pamilyar na boses na aking pilit na iniiwasan. Naka-polo shirt ito, black slacks, at black shoes, mukhang kakagaling niya lang din mula sa trabaho. Mariin kong pinikit ang mga mata habang hinihiling na sana ay nag-elevator na lang ako kanina. "Nasaan ang manager at assistant mo?" tanong niya sa akin na ngayon ay dala-dala ang mga mabibigat kong bitbit Nauuna siya ng isang hakbang kaya naman nagkadahilan ako upang hindi iangat ang tingin sa kaniya. "May meeting, e." mahinang tugon ko Hindi ko alam kung bakit 4th floor pa rin kami dahil parang sobrang tagal na naming umaakyat, nangingimay na rin ang mga paa ko dahil sa sobrang daming hagdan. Kaninang umaga naman ay hindi ako nakaramdam ng ganito sa paggamit ko ng hagdan, ngunit ngayon ay ang bilis kong hingalin. "Wait," sabi ko nang nakahawak na sa laylayan ng puting polo niya He softly chuckled as if I looked pathetic right now. Sinalubong ko ang tingin niya sa akin upang ipakita ang nakakunot kong kilay, ngunit hindi siya tumigil sa paghalakhak. "Mukha ba akong nakikipagbiruan?" inis na tanong ko sa kaniya "Mukha kang bagay sa akin." he shyly answered while flashy showing his deep dimple Isang awkward na katahimikan ang namuo dahil sa kaniyang banat, kita ko ang pagkamot nito sa leeg gamit ang kaliwang kuko ng hintuturo dahil sa hawak hawak nitong pizza. I quickly walked past to him, hindi ko kinakaya ang ka-cornyhan niya. Pagkapasok sa aking unit ay nagpasya muna akong maligo bago ayusin ang mga gamit ko. Matapos nito ay saka ko binuksan ang apat na naglalakihang sizes ng pizza, sobrang gutom na gutom na ako dahil simula kanina ay hindi pa ako nakakapaglunch. I was on the verge of stuffing myself nang maalala kong hindi pa pala ako nakakapag-thank you sa kapitbahay ko. Paano ba naman ay sa sobrang pagmamadali namin parehas dahil sa nangyaring awkward moment kanina ay hindi na kami nagpansinan hanggang sa makarating kami sa aming floor. "Bukas na lang!" pangungumbinsi ko sa sarili at saka nagpatuloy sa pagkain Nagdadalawang isip ako kung pipindutin ko ba ang dorbell o kakatakot na lamang. Jusko, ano bang ginagawa ko sa tapat ng pinto niya? Tumalikod ako mula sa pinto nito at inayos ang buhok, bago muling humarap ay naglagay muna ako ng isang kalmadong ngiti. Makalipas ng ilang minutong pakikipagtalo sa aking sarili ay pinindot ko na ang doorbell. Naghintay ako na may magsalita mula sa intercom ngunit wala, muli kong pinindot iyon and this time ay dalawang magkasunod na ulit na at ganon pa rin, wala pa ring tugon. "Anong oras na ba?" tanong ko sa sarili dahil baka mamaya ay tulog na pala iyon Magkakaroon pa ata ako ng utang na loob at ayoko pa namang mangyari na sa mga susunod na mga araw ay madagdagan nang madagdagan pa ang mga 'yon. Siguro nga ay tulog na siya, magtatangka na sana akong bumalik sa loob ng unit ko nang bumukas ang kaniyang pinto. Automatiko akong tumalikod mula sa kaniya. "Oh, s**t! Sorry!" gulat na sabi nito at saka isinara ang pinto ng kaniyang unit Ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng buong mukha ko hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit ayaw bumaba ng temperatura ng aking pisngi samantalang bukas naman ang kaniyang aircon dito sa salas. Habang nakaupo dito sa isa sa mga high stool niya sa tapat ng dinning area ay hinihintay ko siya sa kusina dahil ima-microwave niya lang daw ang ibinigay kong pizza. Inilibot ko ang buong mata sa kaniyang condo, mas malaki ito ng konti kumpara sa akin. Tanaw mula rito sa kinauupuan ko ang kaniyang salas at hagdan patungong kwarto sa taas. It has a black, white, and wood interior that really suits him. Kita mo rin na sobrang linis niya, nakasalansan nang maayos ang kaniyang koleksyon ng vinyl. I immediately changed my gaze towards him when he offered me a glass of water. "You collect those?" tanong ko matapos uminom ng kaunti "Sort of," tugon niya sa akin at saka umupo sa tabi ko. "Wanna see those?" Muli akong napatingin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Tumayo ito para magtungo sa salas, sumunod ako sa kaniya at dahan dahang nakitingin sa kaniyang mga koleksyon. I look up to him when he snort a giggle. "You can choose." sabi niya nang nakangiti Nahihiya akong lumuhod sa sahig upang pumili ng record na pamilyar sa akin, ramdam ko ang paglapit niya sa tabi ko upang umupo rin. Hindi ko alam kung may ground ba ang player niya o dahil sa pagsalat ng kaniyang braso sa aking braso. "Nakapili ka na?" tanong niya matapos ayusin ang kaniyang vinyl player. Itinaas ko naman ang hawak kong record upang iabot sa kaniya, muli siyang ngumiti matapos makita ang napili ko. Ilang segundo lamang ay tumugtog na ito, ngumiti ako sa pagkamangha habang maiging tinititigan ang walang katapusang pag-ikot ng plaka. "This is so nice." I blurted and look at him He was smiling from ear to ear while staring at me. "You gotta good taste." Nabigla ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang titig sa kaniya habang hindi ko rin mapigilan na bigyan ng iba pang kahulugan ang sinabi niya. He's still looking at me, he's eyes are sparkling as if he saw a bright star. I don't know if it is only me but they look melancholy when close up. ♪ Now nothin' can take you away from me We've been down that road before ♪ As the song continues to play, we didn't break the gaze. Parang naghihintay kami kung sino ang mauunang tumingin palayo. A question in my head started to form, ilang oras kaya niya balak akong titigan? ♫ But that's over now You keep me comin' back for more ♪ Unti-unti niyang inangat ang kanang kamay at inilapat sa aking kaliwang pisngi, ang mainit nitong kamay ang tila nagbigay pa lalo ng dahilan upang mas lalo kong pigilan ang paghinga at pagbilis ng t***k ng puso. Ramdam na ramdam ko ang paglagay niya ng mga nakaharang kong buhok sa likod ng aking tainga. ♪ Baby, you're all that I want When you're lyin' here in my arms ♪ Natulala ako sa kaniyang perpektong mukha, kitang kita ko ang walang alinlangan niyang pagtanggal ng natitirang espasyo sa pagitan namin. I didn't dare to blink as I felt his warm lips on my forehead. ♫ I'm findin' it hard to believe We're in heaven ♪
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD