Lisandra's POV Inaya niya ako sa kwarto pero bigla din niya akong iniwan agad. But i guess may kausap siya sa phone niya. Hindi na ako sumunod sa kanya dahil about sa trabaho din lang ang pag-uusapan nila. Minsan nagigising ako ng madaling araw naabutan ko na wala ang asawa ko sa tabi ko. Pero hindi ko siya pinaghihinalaan dahil matino naman siya at may tiwala ako. Nag scroll lang ako sa social media ko at nakita ko ang post ni Rose na maraming flowers na hawak. Swerte niya sa boyfriend niya! Matagal na din kaming hindi nagkikita, ilang taon na din. "Hon?" i sighed. Buti na lang bumalik siya. "May emergency lang sa company ngayon, may i go now?" hindi na ako nagdalawang isip na payagan siya. "Sure, punta kana." pero medyo kinakabahan ako. Hinalikan niya ako sa labi at umalis na. Sab

