Lisandra's POV Bigla akong kinabahan dahil pagtingin ko kay Issa wala na siya sa tabi ko! Nandito kasi kami sa mall dahil mag gro-grocery kami! Tumakbo ako para hanapin ang anak ko, pero hindi ko na siya makita! Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan ko si Chris. 'Hon?' tawag niya sa akin at parang hindi ako makapagsalita! 'N-nawawala si Issa!' nanginginig na sabi ko sa aking asawa. 'A-asan kayo! Pupuntahan ko kayo!' halata mo sa boses niya na kinakabahan din siya. Pagkasabi ko pinatay niya na agad, hinanap ko parin ang anak ko at humingi ng tulongsa mga guards. Nagkakanda-ugaga ako sa paghahanap sa anak ko. "Miss, anak mo ba yung naka-suot ng pink na dress?" tanong ng isang lalake, "O-opo, nakita niyo po ba?" tanong ko kaagad sa kanya. "Siya 'yon, yung kinuha ng mga lalakeng na

