Chapter 16 ASTRID “Astrid!” Tinapon ko kaagad ang unan ko sa kung saan-saan at minulat ang mata ko sa madilim kong kwatro. Kaka-adjust palang ng mga mata ko sa liwanag ay tiningnan ko kaagad ang orasan ko sa side table ko. Alas sais pa ng umaga tapos nag-ingay nitong troll na ’to. “Ano?!” Sigaw ko pabalik sa kanya. Wala akong pake kung sabihin pa ng mga kapit-bahay namin na ang iingay namin. Itong troll na ‘to ang nagsimula. “Open this goddamn door!” Aniya at katok siya nang katok sa pinto ng kwarto ko na parang sisirain na niya ito kaya kinuha ko ‘yung sunglasses ko at binuksan ang pinto. Nakita ko siyang galit na galit at sa tingin palang ay parang papatayin na niya ako. Oh? “Problema mo?” Walang gana kong tanong sa kanya at pinakita niya naman sa akin ‘yung cellphone n

