Chapter 7 ASTRID “How was your first day of school, Astrid?” Naka-poker face akong nakaharap sa laptop ko at hindi sinagot ang tanong ni Mama. Inawan niya kaya ako. Walang paalam. Kainis. “Anak, umalis ka kasi. Magpapaalam naman ako sa ‘yo kaso busy ka raw sa pakikipag-usap sa isang lalaki.” Natigilan agad ako sa sinabi ni Mama kaya umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. “Lalaki?” Tanong ko. “Ay bakit, anak? Bakla ba ‘yung lalaking kausap mo na may Bugatti—” Kumunot agad ang noo ko dahil sa sinabi ni Mama at pinigilan na siya bago pa siya matapos sa sinasabi niya. “Hindi ma! B-Ba’t mo alam na may kausap akong lalaki?” Tanong ko sa kanya at nakita kong kinamot naman ni Mama ang batok niya tsaka tumingin sa akin na nakangiwi. Oh? What’s going on? “Pinasundo kasi kita kay

