Chapter 4

1553 Words
Chapter 4   ASTRID   “Maaa! ‘Wag ka munang umalis!” Nandito na kami sa bahay at nakacling ako sa braso ni Mama. Ang bilis naman! Kakarating niya palang tapos aalis na siya kaagad? “It’s okay, sweetie. Troy will take care of you.” Nakangiti sabi ni Mama kaya bumitaw kaagad ako sa kanya.   “What?! Itong lalaking ‘to?!” Tanong ko at tinuro kaagad ang damuhong ‘to na kumakain ng noodle—ako nag-grocery ng noodles na ‘yan ah! Napasapo nalang ako sa noo ko. Kapag umalis sina Mama, I’ll die here. “Oh bakit, dear? Mabait naman ang anak ko ah.” Nakangiting sabi ni Tita Margie kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Ito? Itong Troy na ‘to, mabait? That’s a piece of sh-t. Hindi nalang ako sumagot sa sinabi ni Tita Margie at padabog na umupo sa sofa. Is this my punishment now?   “I’ll just get my things ready. Are you gonna help me, Astrid?” Tiningnan ko lang si Mama na paakyat na. I just mouthed ‘No’. Wala akong ganang tulungan ang Mama ko. Kung isama nalang kaya niya ako sa Hong Kong. Tapos sasabihin niya na hindi niya kayang nandun ako kasi sa ugali ko. Whatever. This is your own doings, Astrid. Deal with it.   “Well, kung hindi ka tutulong, ‘wag ka munang aakyat. Okay?” Tumango nalang ako sa sinabi niya at kinuha ang remote. Pati mga palabas ng every channel nakakawala ng gana. Habang nakatingin ako sa TV ay bigla nalang dumaan si Troy sa harap ko na may dalang skateboar—yah! Magskaskating pala kami nito. “Hey! Hintayin mo ak—”   “The way you treat your Mom? The way you treat people after being nice to you? Huh! I f-cking hate your attitude, Astrid.” D-Did he just said he hates my attitude? At kung ayaw niya sa ugali ko, ayaw niya rin sa akin. Huh! And who the hell is he to hate me? That’s it! I’ve had enough! Sinungaling na, paasa pa!   “Then screw you and your f*cking mood swings!” Sumbat ko sa kanya. Hindi niya lang ako pinansin at umalis na. F*ck! Magbabayad ka talaga sa akin Troy! Ewan ko kung bakit ang bilis kong mainis sa damuhong ‘yun! He has the nerves! “Ma!” Tawan ko kay Mama at pinigilan ang sarili kong itapon ang remote sa kung saan-saan.   “Bakit, anak?!” Umakyat kaagad ako sa kwarto ko at kinuha ang board ko.   “Astrid! Where are you going?!” Bumaba agad si Mama at hinabol ako pero ngumiti lang ako sa kanya and then zoomed away. I really hate that guy. Huminga nalang ako ng malalim at sinapo ang mukha ko. Why am I even thinking about that douche bag? Palabas palang ako ng subdivision nang napadaan ako sa skating place nila. Hindi ko naman sinasadyang maingay lang paghinto ng skate board ko at lumingon silang lahat sa akin. Yeah, right. Tiningnan ko lang ang mukha ng Troy na ‘to na nakatingin rin sa akin.   “Siya ‘yung tumalo kay Chad diba?” Rinig kong tanong nung isang babae. Ngumiti lang ako sa pinagsasabi ng mga tao at tiningnan ulit si Troy. Nakakunot ang mga noo niya habang nakatingin siya sa akin. “Uy~ si Ms. Tumalo-kay-Chad! Anong pakay mo?” Tiningnan ko lang ng masama ang tabachoy na nasa likuran nung Chad na ‘yun. Ano nga bang pakay ko dito? Huminto lang naman ako ah. Bawal na bang manuod? Biglang huminto ang tingin ko sa lalaking nakasandal sa isang itim na Bugatti. Alright, I don’t want any of this. Sinuot ko nalang ulit ang cap ko at umalis na. But I have that feeling that Bugatti boy is following me.   “Cody! ‘San ka pupunta?!” Rinig kong sigaw ng mga kaibigan niya. I was right, he is following me. Mabagal naman kasi ang takbo ng skate board ko, o sadyang binabagalan lang niya ang takbo ng motor niya.   ✥✥   Napagod ako kakaskate kasi medyo malayo narin ‘yung narating ko. Huminto muna ako sa isang park at umupo sa bench dala ang skate board ko. That goddamn paasa dork. I hissed just by remembering Troy’s smug of a face. Tumingin kaagad ako sa Bugatti na huminto sa harap ko. It’s this Cody dude. Ano namang ginagawa niya dito?   “Ikaw ‘yung nakatalo kay Chad diba?” What’s the big deal kung tinalo ko ang Chad na ‘yun? Parang silang lahat pinag-uusapan ‘yan ah. Hot shot ba ‘yung Chad na ‘yun? “I guess?” Sagot ko at nilinis ang skate board ko. Aalis na sina Mama tapos matitira ako sa bahay kasama ang bruhong paasang ‘yun. Just kill me now. Napansin kong umupo siya sa gilid ko kaya umusog nalang ako. Wala akong ganang makipagbangayan ngayon. I still don’t know what to feel after all of this. Iiwan ba talaga ako ni Mama kasama ang lalaking ‘yun? Paano kung reypin ako nun? Ano ba ‘tong iniisip ko?   “I see you’re not in the mood.” I looked at him and gave him a blank expression.   “Yah think?” I said sarcastically pero ngumiti lang siya. Para din ‘tong si Troy eh.   “So, ‘san ka nag-aaral?” Akala ko ba alam niyang wala ako sa mood pero kinakausap niya parin ako. Tch. Ano bang trip nito? Ako namang itong parang ewan, kinakausap din siya. “I don’t have a permanent school. I always get kicked out.” Walang gana kong sabi habang nililinis parin ang skate board ko. Teka, ba’t ko pa ba ‘to nililinis kong gagamitin ko lang rin naman ‘to mamaya? Baliw ka talaga, Astrid.   “Well, that’s fun.” fun..fun.. F-U-N? Hindi ko alam pero natigilan ako sa salitang ‘yun. No one ever told me that getting kicked out is FUN. Huh! I can’t believe it, but a smile arched my lips. Tumingin ako sa kanya at nakangiti din siya. Okay din ‘tong taong ‘to ah. “I’m going to Vernon High.” Out of the blue kong sabi kaya mag lumapad ang ngiti niya. Don’t tell me…   “You’re studying at Vernon High too, aren’t you?” Tanong ko kaya ngumiti siya at tumango. Well, he smiles a lot. That’s a fact. “Yeah. I’m a varsity. Soccer.” Sabi niya ang ngumiti ulit. Ba’t ba ganito ‘to? Kanina sa skating pool, nakapoker face naman ‘to ah. Teka, ano bang pakialam ko kung palangiti ‘to? Ngumiti siya diyan hanggang sa mapunit bibig niya kakangiti. Teka, wala naman siyang ginawang masama sa akin. Ba’t inaaway ko siya sa isip ko? Lumingo-lingo nalang ako at huminga ng malalim.   “Oh. So, I’m guessing soccer din ang nilalaro nung Chad na ‘yun?” I don’t wanna mention that Troy Troll! Troll troll troll troll troll.   “Nah. They’re on the basketball team.” Tumango-tango lang ako sa sinabi niya.   “Makes sense.” Wala sa sarili kong sambit at sinipa ang bato na nasa paanan ko.   “What do you mean?” Muntik na akong matawa dahil sa naiisip ko. Ba’t parang si Justin Bieber ang pumasok sa utak ko nung sinabi niya ‘yun? What do you mean? Ohh—okay, Astrid. Back to reality tayo beshe. Tiningnan ko lang si Cody. “It makes sense. They’re on the basketball team, ang lalaki ng mga ulo nila.” I knew that that line was boring and lame pero nabigla ako nung agad na natawa si Cody. Hindi lang basta tawa kundi humalakhak talaga siya. Baliw din ba ‘to? Uy okay ‘yun! Dalawa na kami.   “Y-You know, that’s by far the best things you’ve said. It cracked me up!” Eh? Nakakatawa ba ‘yung sinabi ko? Para ngang kakabulhin ako ng mga basketball fanatics dahil sa sinabi ko. Nagkibit-balikat nalang ako at tiningnan siya na tumatawa parin.   ✥✥   Pauwi na ako at naglalakad ako sa pavement habang dala-dala ang skateboard ko. Marami kaming pinag-usapan ng Cody na ‘yun. Ewan ko kung bakit ko kinausap ‘yun. Baka dahil puro may ‘D’ ‘yung letter ng pangalan nam—ano namang kinalaman nun? Ahh, baka dahil pareho kaming baliw. I’m thinking nonsense now. Tiningnan ko nalang ang relo ko at nalaman kong malapit na parang maghatinggabi. Really? I was out of house that long?   “Bakit ngayon ka lang?” May sira ba ‘tong utak ko? Bakit kadalasan ng tanong na tinatanong sa akin ay nagiging kanta? Baliw na ‘yata ako! Oh wait, baliw naman talaga ako. “I’m asking you a question.” Pag-uulit niya. Yeah, right. Nilagay ko ang skateboard ko sa ilalim ng shoe tray at pumasok na parang walang kumausap sa akin dun sa tabi ng pinto.   “Ma~ I’m home. Pwede na ba akong umakyat?” Tanong ko at tumingala. Sabi kasi niya kanina hindi muna ako aakyat kasi nag-iimpake sila. Maybe they’re done already. “Ma!” Tawag ko ulit nung hindi siya sumagot. Ba’t ayaw sumagot nito? Nakatulog na ba ‘to? Umakyat na ako ng tatlong hakbang habang nakatingala parin. “Ma! I’m coming upst—”   “Umalis na sila.” Natigilan kaaga ako dahil sa sinabi ni Troy.   “What?!” Kunot-noo kong tanong sa Troll na ‘to. Tumakbo kaagad ako sa taas at dun ko nakitang wala na talaga ang maleta ni Mama dito. You must be kidding me! Diba bukas pa sila aalis?! “Kahahatid ko lang sa kanila sa airport.” Sabi ng Troll na ‘to habang nasa gilid siya ng pinto ko. What?! Ma! You lied again?! Aish! ‘San ba ako makakakita ng matinong tao sa mundo?! Ginulo ko ang buhok ko at napaupo nalang sa kama ng kwartong ‘to.   “Now it’s just you and me.” Napairap nalang ako sa narinig ko at lumapit sa pinto sabay hawak ng handle.   “I assure you, you’ll taste hell kapag kasama mo ako.” I said and I finally shut the door. A new start of ruining one’s life again? Huh, Astrid? Binansagan ka nang taga-sira ng buhay. Eh kasi sira-ulo ako eh.   Pati buhay ng taong mahal mo sinisira mo. -- - end of chapter 4 -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD