Chapter 57 ASTRID “Y-You forgot?” Sinubukan kong maging kalmado sa harapan niya. Bigla niya nalang akong hinila papasok ng dressing room at kinuha ang bag niya at sabay kaming umalis. “Bitawan mo nga ako!” Inis kong sabi sa kany. “I’m sorry! Okay? Sorry na. Nakalimutan k—” “Nakalimutan mo kasi nandito si Nali! Bullsh*t!” Sabi ko kaya tumingin kaagad siya sa akin na nakakunot ang noo. “Did you just cuss?” Kunot-noo niyang tanong. “Eh ano naman?! Galit ak—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil ninakawan niya kaagad ako ng halik sa labi ko. Pinalo ko siya kaagad at todo ilag naman siya. “Wala ka talagang nagawang matino! Nakalimutan mo na nga na anniversary natin! Ninakawan mo pa ako ng halik! I hate you! I hate you!” Inis kong sabi sa kanya pero kinarga niya kaagad

