Chapter 55 ASTRID “Wah! Pusang maliit!” Lumapit kaagad ako sa kuting na nakita kong naglalakad sa gitna ng kalsada. Kinuha ko ito at tumawid na. Baka masagasaan ‘to. Tiningnan ko kaagad ito. White cat, white fur, pink nose. Ang cute. Iuuwi kita. Naglakad kaagad ako pero may nadaanan akong department store kaya bumili muna ako ng maraming tuna tsaka bumili narin ng soya milk para kay Troy. Huminto muna ako sandali kasi nahihilo na naman ako. Nung okay na ako ay binayaran ko na pinamili ko at naglakad na habang dala din ang pusa. “Ano kaya ipapangalan ko sa ‘yo?” Tanong ko at tiningnan siya. “Hmm. Snapchat nalang.” The kitten opened her mouth wide kaya hindi ko alam kung nagustuhan niya ba ‘yun o hindi. Ay bahala na. Magb-bus nalang ako pauwi. Dumaan ako sa isang constructio

