Chapter 32 ASTRID It’s finally the start of the sports fest. Kasama ko si Vonne ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit kasama ko ‘tong lalaking ‘to. Lumingon ako sa kanya at kita kong sobrang busy niya kakatingin sa mga papeles na hawak niya kaya minabuti kong tingnan. “Oh? Gagawin na palang University ang Vernon High?” Tanong ko. “Y-Yeah. We’re expanding this place.” Sagot niya. “Ahh, kaya pala may construction na on-going dun.” Sabi ko sabay turo dun sa may nangyayaring construction. Matagal na ‘yan simula pa nung lumipat ako dito. Ngayon ko lang narealize ang purpose. “Which means, magcocollege na tayo dito rin sa Vernon.” Nakangiti niyang sabi kaya tumaas lang ang kilay ko. “Tayo? Bakit? Sigurado ka bang dito ako magcocollege?” Tanong ko kaya tumingin kaagad siya sa a

