Chapter 24 ASTRID Kanina ko pa hinahanap si Cody pero hindi ko talaga siya mahanap. Umupo nalang ako sa field at tiningnan ang soccer practice. Wala rin siya. Hay. “What’s with the long face?” Umupo si Troy sa tabi ko kaya umusog ako sa tabi niya at sumiksik. Giniginaw kasi ako. Tinawanan lang ako ng troll na ‘to. “Hindi ko mahanap ‘yung kaibigan nating baliw.” Sagot ko at sumandal ako sa balikat niya dahil gusto kong magpahinga pero matangkad kasi siya kaya hindi ko siya medyo maabot. “Mangangawit ka lang sa posisyon mong ‘yan. Why don’t you lay on my lap?” Tanong niya kaya tiningnan ko siya agad. “Woah! You’re a genius!” Natatawa kong sambit at tumawa lang siya kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at humiga na ako sa hita niya. Hinubad niya ang jacket niya at nilagay s

