Chapter 26 ASTRID “Hindi mo sinabi sa akin na matalino ka pala.” Tiningnan ko lang ‘tong mukhang troll na ‘to habang naglalakad kami pababa ng building namin. Sumama talaga siya sa akin na mag-cutting. “Ba’t ko naman sasabihin sa ‘yo? Close ba tayo?” Tanong ko sa kanya kaya tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil narin ako at tumingin sa kanya. Pinaningkitan niya lang ako. Chinito talaga ‘tong troll na ‘to. “Kinarga kita nung una kang dumating sa bahay, nagsorry ako dun sa ‘yo sa mall, tinawag mo akong Kuya Gwapo, nasugatan nose bridge mo dahil sa akin, nagdoodle ka dun sa poster ko dun sa bulletin board, binigyan kita ng apple juice nung nagluluto ka, tinawag kitang dyosa, nag-indirect kiss tayo nung inagaw ko ang kutsara mo, binibigyan na kita ng tubig, nagbreak kami ng g

