Chapter 63 ASTRID It’s been thirty minutes at hindi parin lumalabas si Troy sa banyo. Nalunod na kaya ‘yun? Kinain ng bowl? Nahimatay? What? What?! Ba’t ayaw niyang lumabas?! Kinamot ko nalang ang ulo ko at tiningnan ang pinto ng banyo nang bigla itong nagbukas at iniluwa si Troy na nakabihis na. Biglang nagtama ang paningin namin kaya nakita ko siyang namula at yumuko. Tumawa nalang ako at binigay sa kanya ang isang water bottle tsaka umupo sa kama ko. Nakita ko rin siyang umupo sa kama niya kaya pumasok na ako sa banyo at ako naman ang naligo. I made sure to lock the door. Dahil wala naman akong dapat ipakita. Natatawa tuloy ako sa mga pumapasok sa isip ko. Matapos kong maligo ay lumabas na ako na nakabihis. Naabutan ko si Troy na naglalaro sa tab niya. Lumapit nalang ako s

