Sa isang restaurant siya dinala ni Denver pagkagaling nila ng Talampas,niyaya siya nitong kumain,at hindi na rin naman siya nagpatumpik-tumpik dahil kanina pa rin kumakalam ang kaniyang sikmura dahil sa gutom. "Ang dami mo naman inorder,ubos ba natin yan?" "Oo! uubusin natin ito!"natatawang wika ni Denver. "Malakas kang kumain?"hindi napigilang tanong ni Liza na ikinatawa nito. "Kapag kasabay kita sa pagkain tiyak na gaganahan ako,ubos ko yan!" Napairap siya,napakabolero talaga ng lalakeng ito. "Kumain ka na,alam ko gutom ka na rin." Tumango siya...pati nga siya nadamay sa pagiging magana ni Denver na kumain at hindi nga nagkamali ang lalaki dahil naubos nila ang mga pagkaing inorder nito. Pagkatapos nilang kumain ay niyaya pa siya nitong mamasyal sa park..at doon nagkaroon sila ng

