Kahit hindi nakatulog ng maayos ay nagawa pa ring gumising ng maaga ni Liza..Magaan ang kaniyang pakiramdam ng umagang iyun kahit na nakatulog siya ng masama ang loob sa kaniyang kinilalang ama.. Masaya pa rin siyang tumulong kay Manang Yolly para maghanda ng agahan kahit pa pinagbabawalan siya nito na tumulong ay hindi pa rin siya nagpapigil.. Basta pakiramdam niya maganda sa kaniya ang hatid ng umagang iyun!sa hindi niya malaman na dahilan. "Hmm...blooming ah!"nakangiting puna ni Fia."kakaiba ang mga ngiti sa labi." Hindi niya pinansin ang panunukso nito,hindi kaya ang nakakakilig na nangyari sa kanila ni Denver kahapon ang siyang dahilan kung bakit siya masigla?iyun kaya ang rason? "Kumain ka na,hindi yung inuuna mo ang pambubuska sa akin." "Asus!marami kang dapat na ikuwento sa a

