Nangangalamuta ang mga mata ni Liza dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi..walang ibang laman ang kaniyang isipan kundi ang kaniyang kinikilalang ama..h "May problema ka ba?"puna ni Fia ng mapansin ang pananahimik ng kaniyang kaibigan. "Wala.." "Anong wala?"anito.."matamlay ka!" "Wala ito! medyo naiisip ko lang si papa.."aniya sa kaibigan dahil hindi rin naman ito maniniwala kapag wala siyang sinabi na dahilan sa kaniyang pananamlay,hindi rin siya nito titigilan. "Iniisip mo ang papa mo?ay ikaw kaya?iniisip ka rin kaya ng ama mo?"anitong napasimangot. Napatingin siya sa kaibigan ramdam niya ang pagmamalasakit nito sa kaniya,at alam naman talaga nito kung gaano siya nasaktan sa ginawang pagtatakwil sa kaniya ng ama kaya hindi rin naman niya masisisi kung ganun na lang ang naging

