Napaatras bigla si Liza ng tila mahagip ng kaniyang mga mata ang pamilyar na bulto ng katawan na bigla na lamang naglaho,hindi kaya namamalikmata lang siya. "May problema ba?"tanong sa kaniya ni Fia ng makitang natigilan siya. "Huh!ah wa..wala!" Alibi niya..baka namalikmata lang siya,hindi naman niya puwedeng tanungin si Fia dahil hindi naman nito kilala ang kaniyang ama.Baka siguro dahil minsan naiisip pa rin naman niya ang mga kinalakihang magulang kaya baka napagkakamalan niya ang ibang tao. Saka anu naman ang gagawin doon ng kaniyang ama,hindi ito magpapakaaksaya ng oras para dalawin siya sa school o tingnan mula sa malayo.Hindi na siya nag-aasa pa na muling muling babalik sa kaniya ang mga ito.Saka okay na rin naman siya sa buhay niya ngayon,kahit pakiramdam niya hindi kumpleto an

