Chapter 9

1896 Words
"CONGRATSSSSSSSS!" Itinaas namin ang bote ng champagne. This is it! We made it! We won! Sabay-sabay namin iyon ininom. All of my friends, Kuya's friend, Ate's friend are here. Sobrang saya pala talaga na nandito sila at todo ang supporta sa akin--amin ni Vash. Tumayo ako at nagtungo sa may sink. Wala akong balak mag-lasing. Naghugas ako ng kamay at sinabon ito. Napahigpit ang hawak ko sa aking kamay, napapaisip. I still don't get it. Paano nakakuha ng ganoon kagandang idea si Vash about sa topic of love? Is he that in love but never been love by the girl he wants? Or is he...bakit ko ba iniisip ang taong iyon?! Napahilot nalang ako sa sentido at nagpasiya nang lumabas. Mukhang hindi rin naman nila mahahalata na wala ako sa tabi nila, eh? They're busy playing truth or dare. Hawak ang cellphone na lumabas ako ng condo unit ni ate Sydney. Yeah, dito kami nag celebrate dahil gusto niya. Ewan ko ba? Pero may something talaga na Ewan ko. Basta maganda ako. Nagtitipa ako sa aking cellphone habang nag-lalakad patungo sa elevator. Maganda ang tumambay sa rooftop kapag gabi na. Umulan pa naman no'ng isang araw. Napangiti ako nang mag-post si Vash sa IG niya. Unang post 'yon mga sis. Ang post na iyon ay kinuhaan pa kanina ni Ate Sydney. Hawak namin ang certification na kami ay nanalo at pwedeng magkaroon agad ng kontrata sa ilang international na naging judges. Grabe rin ang hirap ko sa pag-english, huh? Though pwede naman kaming magtagalog dahil sure akong inaral nila iyon at nakakaunawa sila ng mga wika natin, plus points kasi kapag talagang gusto mo o sad'yang ginalingan ko sa pag-english. Lol. Nakanguso ako na nakaturo sa certificate habang nakangisi naman at nakatingin sa akin si Vash. Natawa ako nang makita kung gaano karaming hearts and comments iyon. Kapopost niya pa lang one hour ago, mahigit kalahating milyon na agad mga iyon, samantalang ako nasa hundred thousands lang? Iba talaga kapag lalaki ka ano? "Tsh! Sana all talaga gwapo," Katulad ng iba, nilikes ko rin iyon. Nakatag ako sa pictures at may captions pa na 'WE MADE IT!'. For sure sa lunes maraming mag-rereact nito sa akin. "He's handsome, 'no?" Natigilan ako sa paglalakad. Biglang may kung anong kumalabog sa puso ko nang marinig ang boses na iyon. Itinago ko ang panginginig ng aking kamay at dahan-dahan siyang nilingon. He gave a weak smile on me. "What are you doing here?" He asked again I clenched my jaw. Lumunok ako nang lumunok at nag-iwas ng tingin. Iba pa rin ang epekto sa akin ni Keo. He's still the man that I want to spend my while damn life with. Pero impossible iyon. Ayokong maging mag-kaaway pa kami ulit ni Iwyn dahil lang sa feelings ko. Tama siya. Siya ang nakauna sa pag-amin. Umepal lang ako. "Are you okay?" "H-Ha? Oo n-naman. Haha!" Nagpeke pa akong natatawa. Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Keo. Sa gulat ay hindi agad ako nakapag-react at nakatitig lang sa kaniya. He's the most handsome man in my world. Una nga lang si kuya. Lol! Hindi ko alam kung bakit nagpadala ako kay Keo kung saan man siya papunta. Sumakay kami sa elevator nang hindi manlang inialis ang mabigat niyang braso. Lol! Tinignan ko lang siyang pindutin ang huling button. Oh? Sa rooftop rin siya pupunta? "Nalingat lang ako sandali, inistalk mo na 'yong future Doctor na iyon?" Alam ko namang biro niya lang iyon pero para siyang ewan. Tsh! Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at sumandal sa railings ng elevator. Mag-krus ang braso habang nangangasar akong tinitignan. Napaiwas ako nang tingin at nahugot ang hininga. He's damn handsome as f**k! Nakakainis! Ayokong nginingitian niya ako, lalo akong nahuhulog. "Love is like a studies...Once we got hurt, we learned." Napabuntong hininga akong muli nang maalala ko ang sinabi ko kanina sa gymnasium. Wala iyon sa sinulat ni Vash na nabasa ko pero bakit kusang lumabas sa aking bibig? "Huy!" "Ay, gusto kita!" Pareho kaming natigilan. Napapikit ako nang mariin dahil sa katangahan. The moves 101 ba iyon? Narinig ko ang tawa niya kaya nilingon ko siya. Kunot ang noo ko habang panay ang tawa niya at nakaturo sa akin. Tangina mo, Keo! "In love ka sa Vash na 'yon, ah? Ikaw, ah!" Panunukso niya. "Hindi kaya!" Agap na sagot ko. Mukhang Hindi naniwala ang loko. "Bakit mo inistalk?" Ngayon ay nagbago na agad ang expression niya. Seryoso. Nakakatakot. Lumunok ako at napaiwas nalang ng tingin. Ayokong magsalita. Natatakot akong mapaamin niya ako na gusto ko siya, baka ito na ang huling beses na maging malapit kami sa isa't-isa. I can't lost it. Tumungo at bumukas na ang elevator. Inayos ko ang suot kong Uniform at ang coat bago ako naunang lumabas. Sa unang pagtapak pa lamang ng aking boots sa sahig ng rooftop, malakas na hangin na agad ang bumungad sa akin. Pumikit ako para maiwasan ang maaaring buhangin at kung ano pumasok sa maganda kong mata. Sensitive pa naman. "Smile, Yannie!" Sa aking pag-dilat, isang mabilis na pag-ilaw ng cellphone ni Keo ang agad na nakapag-gulat sa akin. Tinignan ko siya ng may nagtatanong na tingin. Ngumiti at tumango lang siya bago ibinalik sa bulsa ang cellphone. "Let's go!" Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na kaming nasa rooftop. Tahimik si Keo, gano'n rin ako. Itinungkod ko ang braso sa railings at napaangat ng tingin sa payapang kalangitan. Ibang-iba na kumpara kahapon, kagabi. Matunog akong bumuntong hininga. "What's with your mind? Bakit mo naisipang pumunta dito?" I asked out of curiosity and looked at him seriously. Hindi ko naisipang magtanong kanina. Bukod kasi na inaasar niya ako, hindi naman na kami gaanong close tulad noon. He's darked eyes glance at me also. He gave a weak smile on his face again. He sighed before he let go of his stared at me. "Do you like him?" He asked me too. Not answering my question to him. I chuckled. "Nah," "Kahit pa manligaw siya sa'yo?" "Yeah," parang tanga akong sumasagot sa mga tanong niya. Sana tanungin niya ako kung pwede ba siyang manligaw. Papayag naman ako e! We stayed at the rooftop for the whole midnight. Nagpasiya na lang kaming bumalik sa baba dahil sobra na ang hamog sa itaas. Para akong Ewan na kinikilig. 'Tinanong niya ako kung gusto ko si Vash? It's means..nagseselos siya?' Hindi mawala ang ngiti ko hanggang sa makabalik kami sa condo unit ni Ate Sydney. Halos lahat nang paningin nila nasa amin. Sumipol si Marky at siniko ang kapatid niya. Nangangasar. Nagkahiwalay kami ni Keo dahil sa banda nila Ate ako naupo, habang katabi niya si Alejandro at ang pinsan niyang si Mico. Akalain mo 'yon? Narito ang isang hindi naman namin kakilala? Charot. Sa halip na makisali sa kanila na uminom at makipaglaro, minabuti ko nalang na mag-scroll sa aking IG account. I followed back Vash, too. Nakita ko rin ang mga post nila na mga narito. Ang karamihan ay binati ang pagkapanalo namin, ang iba ay ginagamit pa ang quote na sinabi ko sa huli. 'Love is like a studies...Once we got hurt, we learned.' Napailing at sandali akong pumikit upang hilutin ag aking sentido. When did I get that qoute ba? Wala naman sa nabasa ko iyon, ah? Hindi rin naman ako mahilig humugot o whatsoever na mabasa at makita ko. Iba talaga kapag madamdamin ang topic niyo. Mapapahugot ka nalang talaga nang wala sa oras. Hays. Tinignan ko ang messages ko IG. May mensahe doon ang halos lahat ng kakilala ko. Una kong tinignan ang kay Jamila. Kani-kanina lang ang mensahe na ito. Jamiladeniece: -Anong pinag-uusapan niyo ni Keo kanina? Nakagat ko ang pang-ibabang labi saka sumulyap kay Mila. Nag-make-face ito at ngumuso-nguso akong tinignan. Ngumisi ako saka binalik ang tingin sa aking phone. I replied.. -He just congratulated me :) Na seen niya agad at nag-ta-typing na. Gano'n ba siya kakuryos sa pinag-uusapan namin ni Keo? Bago 'yun, ah? Bakit kaya? Jamiladeniece: -Gaga! Sayang wala ka kanina, may umamin. XOxo! Xoxo? What the heck is this? Nag-indian sit ako at sumandal sa aking ate na panay ang inom. Kumunot ang noo ko at sinikap siyang matignan. Mukhang may problema? Inangat ko hanggang sa matapatan ang aking mukha ng cellphone. I-n-off ko muna iyon bago tuluyang inagaw kay ate ang alak. "Too much of whiskey can bring you to grave, ate!" Mahina, nag-aalala kong sinabi. Binitawan niya ang baso na may alak at inihiling sa couch ang sarili. Pumikit siya at matunog na bumuntong hininga. Bumalik ako sa aking ginagawa. Panay ang pag- DM namin ni Jamila sa i********: na naging katuwaan na. Tulog na rin si ate, kaya dinala ko ma muna ito sa kwarto ni Ate Sydney. Malawak naman ito. Inihiga ko siya nang ayos saka naupo sa gilid ng kama. Naroon rin nakatayo at nakasandal sa pinto si Vash. Ewan ko ba kung bakit nandito ang joker na 'to. All I know is condo ito ng Ate Niya. Ipinokus ko ang sarili sa pakikipagbiruan kay jamila sa i********:. Ang gaga, mukhang pinakain na nang gayuma ni Future model of kapres. Umiibig na! "What's with your quote earlier?" huminto ako sa pagtitipa at kinagat ang ibabang labi. Yeah, I know na wala iyon sa isinulat niya kanina pero wala na akong pake. Nagkibit ako nang balikat at nagtipa nang sasabihin Kay Jamila. -Oy! Pumasok ka sa kwarto ni Ate Sydney dali! "What is it again? 'Love is like a studies--' Natigilan siya sa pagsasalita at nahugot ang hininga. Narinig ko na ang boses ni Jamila habang kumakatok sa pinto. Nagpigil ako nang ngiti. "Hey, Beybe Yannie? Are you there ba?" Pasipol-sipol pa ako na tumayo at naglakad patungo sa pinto. Nahinto ako at pinagtaasan ng kilay si Vash na mag-krus ang braso habang nakatingin sa akin. Nginisian ko siya at sinenyasan na tumabi. Narinig ko pa ang pag 'tss' niya bago gumilid. Doon na ako natawa at humawak sa doorknob upang pihitin ito pabukas. Nakakalasing na mukha ni Jamila ang bumungad sa akin. Malawak ang ngiti niyang dumungaw pa para igala ang paningin. Mas lumawak pa ang ngiti nito nang mahinto siya. Sinundan ko nang tingin ang tinignan niya. Kunot na noo ni Vash habang nakaupo sa couch at nakatingin sa amin--akin. "Hi, Vash! Umamin ka na?" Mapangasar na tanong ni Jamila bago tuluyang pumasok at sinara ang pinto. "Ano 'yun?" Bumulong ako sa kaniya. "Aray!" Kinurot niya ang likod ko dahilan para mapadaing ako. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Nasaktan siya Vash, oh?" What the f**k? What's wrong with her? Why did she teased Vash? At bakit nagpapadala naman ang joker? Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang phone ko. Umirap ako at kinuha iyon mula sa bulsa ng coat. Hindi ko pala napatay ang data. Keo Oxen Sarmiento just posted on his stories. "Simple lang naman umamin eh!" Nanlaki ang maganda kong mata nang tuluyang makita ang stories sa IG ni Keo. Madiin na kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at nakaramdam ng kung anong may gusto na kumawala sa aking tiyan. Ilang beses pa akong lumunok at kumurap. Pinatay sindi ko rin ang phone ko na nagbabakasakaling imahinasiyon ko lamang iyon. Ngunit hindi. Totoo ang nakikita ko. Unang beses kong nakaramdam nang kiligin. Hindi ko inaasahan na sa ganitong nanalo pa ako sa debate ko mararamdaman. "Gusto kita.." Tuluyan akong napangiti at binasa ang caption sa IG Stories niya na may litrato kong kinuha niya pa kanina nu'ng nasa rooftop kami at nag-flash ang ilaw sa Camera niya. Gulat ang hitsura ko doon ngunit ayos lang naman. 'You light up my day.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD