Nagising ako kinabukasan nang wala na sina ate at kuya. Maski ang nga kalat namin ay malinis na. Napabalikwas ako nang bangon nang mapagtanto kung Anong oras na. Fuvck! Alas dose y media na! Afternoon class!
Ngunit tila sumang-ayon ang tadhana sa ako. Tumungo ako at binuksan ang veranda. Ang payapag ulap kahapon ay parang pinagsakluban nang kapalaran ngayon. May bagyo. Halata sa sobrang kulimlim nang kalangitan, at ang lakas pa nang ulan.
"Ngayon pa naman kami magkikita ni Vash.." Isinara ko nalang muli ang Veranda at nagtungo sa aking banyo upang maligo.
Oversized pink pastel hoodie ang suot ko at pink velvet short na maiksi. Binlower ko rin ang mahaba ang paalon kong buhok, dahilan para maging straight at tuyo. May suot akong Balenciaga sleepers na pambahay ko lang.
"Kahit sa bahay ang ganda ko pa rin." Papuri ko nang matapos sa lahat nang ginagawa.
Kinuha ko muna ang cellphone ko bago bumaba. Nadatnan ko si Ate Alira at Kuya Black na halata ang pagkaantok sa mga hitsura. Nakahupo sila sa mahabang sofa habang nakasandal Ang mga katawan sa mismong head ng sofa.
"Alak pa!" Tinawanan ko ang dalawa nang makarating ako sa harap nila. Sinamaan ako ni Ate nang tingin saka bumalik muli sa pagtulog. "Porket umulan, bagsak na rin kayo?" Pangangasar ko sa dalawa. "Tara, Inom!"
"Mamaya na lang, Bunso. Wala sina Mom and Dad. We can do whatever we wanted too." Tinanguan ko si kuya at nagtungo sa kusina. Nadatnan ko doon si Manang Linda na nagluluto.
Lumapit ako at naupo sa upuang silya na naroon sa may malapit sa sink, at itinungkod ang siko sa wooden tiles na naroon.
"Mabuti at Hindi ka nalasing katulad ng iyong kapatid?" Liningon ako ni manang at nginitian.
"Mahihina po sila. Isang Wine lang naman ang dinala nila, tapos bagsak pa rin?" Pareho kaming natawa sa sinabi ko.
"Dahil maaga silang nagising." Inihain niya na ang niluto niya.
"Po?" Bago iyon, ah? Kapag ganitong may bagyo, minsan hapon o gabi na sila nagising.
"Nag-away ang inyong magulang. Tulog ka kanina, pero nagising ang dalawa mong kapatid. Sinubukan ni Black na awatin sila dahil baka kung saan umabot, ngunit talagang matindi Ang dahilan kung bakit nagtatalo ang dalawa." Pag-kwento niya.
Bigla ay lumungkot ako. Palagi ko rin namang napapansin na halos walang oras na hindi sila nagtatalo kapag nandito sa bahay. I can't asked them naman kung bakit, basta iba lang ang kutob ko.
"Pinasundo ng Chairman niyo ang magulang niyo kanina para umatend sa business vacation. Ilang buwan silang mawawala, kaya inihabilin kayo sa akin na bantayan." Dagday niya pa.
Tumango nalang ako at nag-cellphone. Toxic sa f*******: at Twitter. In open ko ang i********: account ko. May messages na agad galing sa group, Keo, Jamila at Vash. Inuna kong buksan ang sa group para basahin.
Ismewynie: Walang pasok, tulog ulit.
Jamiladeniece: May bagyo. Sana abutin pa ng taon.
Keoxen: Gala.
Natawa ako habang nagtitipa nang irereply.
Arriasilva: Bored in the house. Kagigising ko lang.
Matapos ay inopen ko ang sa kaibigan Kong sa Jamila. Napairap nalang ako dahil sa mga mensahe niyang nakakabwisit. Napakarte.
-Oy girl! Ireto mo nga ako sa kasama ni Vash Hauston. Iyong si Moreno?
Napakunot naman ako ng noo. Sino doon? Si Mestizo ay pamilya ang hitsura sa akin. Ex siya ni ate Rozzane. Si Alejandro! At si Moreno naman ay kaklase ng dalawa mga ate namin. Which I know is..si Maky? Mac-ky? Marky? Yeah! Marky! Tama!
-I met him sa field kahapon..he's looking for you too.
Napa-'oh' ako nang mukha. Ano naman ang pakialam ko sa sunog na tulad niya?
Nagtipa ako nang irereply sa kaniya. Naglapag si manang ng mocha with cookies sa aking harap. Nag-thankyou ako bago sumimsim doon.
"Ang dalawa talaga..Hindi na nakayanan pa ang umakyat sa kanilang silid. Nakatulog sa sofa." Nakatinginan kami ni Manang. Ngumiti ako, samantalang umiling siya.
"Weak po sila sa inuman, Manang. " muli ay inasar ko na naman ang dalawa.
Arriasilva replied:
-Si Marky iyon.
Matapos ay saka ko pa lamang tinignan ang mensahe ni Vash. Para akong tanga na nagulat nang makita ang following nito. Ako lang ang finallow niya? Turning millions of followers, ni isa wala siyang finallow back? At ako pa lang? Lol!
vstephen:
-It's raining. Don't go outside.
-practice your crafts, Silva. Pupuntahan kita kapag tumila na ang ulan.
-Wake up. Eat your breakfast first before do something stupid.
-Instead of chatting your first love, think about the topic I've gave last time we've met.
Sungit!
Tinapos ko na ang pag-inom sa mocha na binigay ni manang kanina. Tumila na rin kahit papaano ang ulan, ngunit ang kakulimliman ng kalangitan ay Hindi nawala. Hindi na ako nagpalit pa ng suot nang tawagan ko ang mga kaibigan na gumala kami. Siyempre, ang bruhang si Iwyn ay hindi tumanggi.
Sinundo ako nina Keo, Jamila at Iwyn nang sabihin kong may hang-over pa ang dalawa kong kapatid. Hindi ko na kailangan magdala pa ng pera dahil may mga credit cards naman ako.
"Naks! Malamig 'te?" Inirapan ko si jamila at naupo sa passenger'seat. Nasa likod ang dalawa.
"Bukas na ang iyong report sa gymnasium. Are you ready? " I was about to answer to Keo's question, when I realized that magkikita pala kami ni Vash!
Liningon ko ang nga kaibigan. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa maaari nilang ireklamo kapag sinabi kong hindi na ako sasama. Napalunok ako at umiwas nang tingin. Paano ko ito sasabihin? Hindi naman pwedeng nagmamakaawa ako Kay Vash dahil Valedictorian spot ang nakasasalay doon. Sure akong magkakagulo na naman kaming tatlo na babae, just like before we have argued.
Bumuntong hininga ako at muli silang liningon. Silang tatlo ay ngayon nakatingin sa akin. Kunot ang noo. Agad akong bumaling kay Jamila para humingi nang saklolo. She just nodded and gave me a weak smile.
"I think I can't go with you guys for now?" Kinakabahan akong nagsalita.
"What?" It was Iwyn. I tried to looked at her, but she just rolled her eyes. "Niyaya mo kami tapos Hindi ka sasama? Tokis ka na naman ba ha?"
"It's not like th-'
"Valedictorian spot?" Naiangat ko ang paningin kay Keo. Yumuko ako at tumango. Narinig ko ang matunog niyang buntong hininga at inihinto ang kakasimula pa lang niyang pag bukas nang makina. "Well.. We can sent you there. Saan kayo nagtatagpo kapag may topics?"
He said, sa mansion nila. Hindi naman ako pwedeng magreklamo, dahil baka tuluyan nang mawala ang spot sa akin. Though, sure na ako sa valedictorian spot dahil maintain ang high grades ko but, I couldn't lose this last chance na mayroon ako ay highschool student.
Gaya nang inaasahan, inihatid nila ako. Tahimik ang naging biyahe namin patungo sa Hauston Villages. Pinapasok kami ng guards na nagbabantay sa mismong labas ng village dahil sinabi na rin pala ni Vash. Tinanggal ko ang seatbelt bago sila tinignan. Umirap na naman si Iwyn, si Keo ay hindi na nagsalita, habang pasimple akong chineer ni Jamila. Lol! Uutosan niya lang ako na ireto siya kay Marky.
"I'm going. " pagsasalita ko. "Take care. Promise babawi ako next time na lumabas tayong apat."
"Wala nang susunod pa, Just go!" Pagtataboy ni Iwyn. I sighed and smile.
Nang makalabas na ako sa sasakyan ni Keo, pinaandar niya na ito agad. Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga. I wished they could understand me. I am doing this because of my family expectations. Si Ate and Kuya, they're both Valedictorian when they graduated at highschool. And now, sa akin na nakatuon ang atensiyon. I need to do this. If it's mean of sacrificing my best friend.
Lumapit ako sa face detection at initapat ang mukha doon. Umilaw ang green, means bubukas na ang gate. Yeah, nakapunta na nga kasi ako 'diba?
Naglakad na ako patungo sa main door nila. Sumalubong sa akin iyong ate niyang si Sydney. I was expecting na magsusungit siya, but she just hugged me.
"Is your brother okay?" She asked while we're walking. I nodded.
"Maybe, he just fell asleep pa rin po? May hang-over. Nag-yaya uminom kagabi." Proud kong sabi.
Siyempre, Hindi naman talaga nila ako matatalo sa inuman. I am very proud of it.
She chuckled. "At your age? Your drinking alcoholic drinks?" Nginitian ko siya.
"I need it too po. My parents are always busy to their work, so they don't have time to give some attention on me if it is not achievement." Nawala bigla ang masigla kong ngiti. My best friend knows how much I am craving for my parents attention.
She pouted. "I'm sorry. I wasn't heard about that kind of issues na nais mo." Hindi ako sumagot. "Oh, well.. Vash is not here. But he said, Finish your part. " tumango ako sa kaniya.
Letse na lalaki 'yon? Kung sana sinabi niya kanina na kukunin ko lang pala ang mga prints para sa part ko, edi sana nakasama pa ako sa mga kaibigan kong mag-momovie marathon sa bahay nila Keo?
"By the way, you still in highschool, aren't you?" Ibinigay niya na sa akin ang mga prints at iginaya ako patungo sa kusina. Hindi naman na ako tumanggi.
"I am graduating with the spot of Valedictorian po, same with my siblings."
Inalokan niya ako nang binake niya kuno na mga cupcakes. Nang matikman ko Ang nga iyon, sobra akong namangha sa kaniya. Ang sarap. Hindi natamis, Hindi rin kulang. Lalo na iyon mga designs niya sa cupcakes? Something luxury like what I've seen to her stuff here. Ano kaya ang kursong tinetake niya?
"Does it taste good?" Nakangiti siya habang pinapanood akong kumakain. Magiliw akong tumango at inubos na ang chocolate fudge na cupcakes daw. "Yeah. I almost perfect it." Proud rin siyang pinuri ang sarili.
"What course are you taking, Ate Sydney?" I asked. She is very close to my kuya raw sabi niya. They're best friends since elementary. Hindi ko agad napansin. Akalain mo 'yon? Babalik si ate Sydney nang college na sila? Something's fishery.
"Chef." Tipid niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala. "Baking..I loved to bake. " dugtong pa nito.
"For real po?" She nodded. I can't help but to amazed.
Ang sabi ni Vash they're family of doctors? So, paanong iba ang sa ate niya? At..Is he taking the medicine lessons? Hindi naman lingid sa kaalaman Kong magkaklase sila ni Ate, dahil paiba-iba ang rooms nila bawat subjects.
"Our family is born to save lives." Nakikinig ako sa kaniya habang patuloy kumakain. Kahit pa maubos ko ang mga narito, ayos lang daw. "But..we have our own passion." She sighed. Pinagkrus ang braso. "I really love saving other lives but I know it is not my passion. I chose to study at International School on states to take the course I wanted to take."
"Pero..Chef po talaga?" She nodded again.
"Si Marky ang mahilig sa passion. I guess, photographer at pagiging modelo ang nais niya?" Sabay kaming natawa. Ang sunog na iyon? Nais maging modelo? Anong magiging pangalan niya sa magazines.. the leader of kapres.
"Eh..si Vash po?" Nahihiya akong umiwas ng aking tingin.
No'ng nagkausap kaming dalawa last yesterday, doctor ang gusto niya. I wonder kung talagang gusto niya ito o sinusundan niya lang ang yapak ng pamilya niya? Bihira kasi sa lalaki ang pag-dodoctor. You must be patient. Maraming proseso, kailangan mag-seryoso kapag oras na nila ng duty. Sa hitsura niya? Bukod sa un-gentleman siya, baka mamatay na agad ang pasiyente sa kasungitan niyang magsalita.
Napangisi ako sa sariling naisip. Aabangan kong matupad ang pangarap niya. At mismo akong tatawa kapag nag-iba siya ng kurso dahil hindi niya kinaya.
"Vash is very different. " tumango-tango ako. Parang hindi mayaman. Barumbado magsalita! "Siya lang ata ang may balak sundan ang yapak ng magulang namin? "
"Sure po ba siyang mag-aaral siya ng med?" Si Ate Alira kasi ay Oo!
She sighed and nodded. "Medical technology and surgeon..'yon ang nais niya."
"Oh? He's really a mysterious type of guys talaga.." Sumang-ayon naman si Ate Sydney
Tinapos na namin ang pagkain sa dining nila at nagpasiya na magpahinga saglit. Nakaupo ako sa sofa nila habang nakikinig kay ate Sydney tungkol sa bunso nilang si Vash. May patango-tango pa ako habang nakapatong sa aking hita ang siko at nakapalumbabang nakikinig. Ate Sydney wiped her tears. Hindi niya talaga kayang mag-kwento tungkol sa past life ni Vash.
"He chose to study medicine lessons to heal my illness."