Maaga akong gumising kinabukasan. Sinabi ko na rin sa kanila Mom and Dad na hindi ako sasabay sa mga kapatid ko, dahil susunduin ako ni Vash. Akala ko nga magagalit sila, kasi lalaki iyon tapos, babae ako..baka kasi isipin nila na boyfriend ko na iyon--never.
Alas sais pa lang ata nang makarating kami sa University. Hindi ko na kinwestiyon ang pagiging un-gentleman niya dahil sanay na ako doon. Sa loob ng ilang araw namin na magkasama, nalaman ko na ang ilan sa buhay at ugali niya. He was something that I cannot understand. In short, he's really mean.
"Grabe ka, Yannie! Nawala lang ako nang mahigit dalawang araw..tapos..Umaaligid na pala ang Vash sa'yo?" Palihim Kong siniko si Jamila at ngumiti kay Vash na nakakunot ang noo habang may binabasa sa kaniyang laptop.
"I'll go now. I'm going to picked you up later to finished our topic." Tumango lang ako sa kaniya at sinundan siya nang tingin habang nag-aayos ng gamit.
Wala akong balak pigilan siya dahil mukhang bad mood naman siya. Ayokong makarinig ng mga bulok niyang Banat. Charot.
Tinunghay ko siya ng tingin hanggang sa makalayo na siya at Hindi na mahalagilap pa ng mga magaganda kong mata. Kung paano magkaroon? Huwag kang tumingin sa mga malalanding tao, in-short, maging totoo ka.
"Yuck! Grabe! Dala-dalawa na lalaki mo!"
"Ano ba?!" Inis kong hinampas ang braso ni Jamila. Tumawa siya at lumipat sa kaninang pwesto ni Vash.
"Ang tanga mo nga pala kahapon sis." Sinamaan ko siya ng tingin. "Pumunta si Vash kagabi matapos niyong umalis sa Silid ko."
Nanlaki Ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin. Holy crap! Baka sinabi ni Vash na sumabay ako kay Keo? Baka sinabi niya rin na dinala niya ako sa mansion nila?
Napahilot ako sa aking sentido at tumigil sa ginagawa. Wala na. Sira na ang masayang araw na simula pa kagabi dala-dala ko.
"You looked tired. Wala si Miss ngayon, Tara gala tayo?" Napabuntong hininga ako saka ipinatong ang siko sa lamesa ng aking inuupuan.
Tama siya. Hindi pa dumarating ang guro namin para sa ilang lessons na Ibibigay bago ang exam this quarter.
"Kaloka talaga!" Aniya Iwyn habang nag-uunat ng sarili. "We didn't expect na Hindi pa niya ibibigay ang scores namin sa report kahapon. Hindi naman umaabsent si Miss kapag Hindi valid 'yung reasons niya, ah?"
"Gaga! Family matters nga!" Binatukan siya ni Jamila sa ulo saka tumakbo patungo sa akin upang magtago.
"I mean, always namang gano'n ang reasons niya, bakit lumiban pa siya ng lessons? At ito namang si Jamila na President na nga ng classroom, wala manlang kinuhang lessons sa mga gurong Hindi pumasok. Ano 'teh? Walang kwentang president lang?" Napasinghal ko
I liked this debate of them. Mawawala Ang stress ko sa kanila, kapag sila ang nagdebate sa harapan ko.
"Wow?" Manghang umalis sa likurang silya ko si Jamila at pumunta sa may silya niya sa gilid. "Coming from a vice-president na Hindi manlang marunong makioperate sa mga co-officers niya? Hoy, sis! 'Di porket magkakaibigan tayong apat ay exempted ka na sa mga batas dito, nagkakamali ka!"
"Nice scenario.." Natawa kami pareho ni Keo nang magkasabay na banggitin ang linyang iyon. Meant to be talaga kami.
"Pero..may naiiambag naman ako, ah? Haler? Sino ba ang Hindi pumasok kahapon at nahuli nang dalaw sa'yo? Ako ba? Ako ba? Ang kapal naman, Jamila!"
Patuloy pa rin sa pagsasagutan ang dalawa. Mukhang may naisip ng ideya ang lalaking katabi ko. Sinenyasan niya akong huwag maingay at siya na mismo Ang nagdala ng Louis Vuitton bag ko. Tumakbo kami nang tuluyan na ngang makalabas ng room.
"Teka! Teka!" Huminto kami dahil sa sinabi ko. Habol ang hininga na napahawak ako sa kaniyang balikat.
"Let's go to the benches here at our school." Tinanguan ko siya at sumunod.
A day with my First love was a simple day for me. Walang kahit na ano akong iniisip na pwedeng malisya sa pag-aya niya sa aking lumabas ng room. Maybe, we just want a quiet place para makapag-relax? At saka, Hindi lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay dapat na nating bigyan ng mga kung Anong kahulugan. Iwasan ang pagiging marupok, baka dahil doon ay masira pa tayo bilang babae.
Matawa-tawa akong naupo sa tabi niya. Natanaw ko ang lugar kung saan ko sila nakitang nagtatawan ni Iwyn noong isang araw. Grabe! Sa mismong spot pa talaga namin ni Vash kami uupo? Amazing!
Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa, hanggang sa makaisip na ako ng nais sabihin o itanong sa kaniya. Dahil nga siya si Keo, malamang totoo niya itong sasagutin.
"Bakit parang wala ka pang nagiging girlfriend?" I asked out of curiosity. Malay natin may pag-asa pala ako?
"She's not yet ready."
"Ready na ako!" Nanlaki ang mata ko nang mamataan kung ano sinabi. Naiiwas ko ang tingin nang tumawa siya. Nakaramdam tuloy ako ng niya. "I-I mean is handa na akong makinig sa sasabihin mo." Tangang dahilan ko.
"Mm?" Isinadal niya ang sarili sa balikat ko. Grabe! "Let's just stayed this for a while."
Dahil nga sa crush ko siya, hinayaan ko nalang. Lol. Memories rin namin ito 'no? Bahala na ang dalawa doon sa room, magpatayan sila kung gusto nila. Wala akong pake. Charot.
Napatingin ako ay Keo nang maramdaman ko ang bawat mabigat nitong paghinga. Natutulog ata? Dahan-dahan ko siyang ipinahiga sa aking hita at hinaplos ang malambot at kulay itim niyang buhok. Hindi rin maiwasang titigan ang labi niyang, noon pa man ay gusto ko nang mahalikan. I kept my lips virgin until my future husband kissed it. Iyon lang ang magandang regalo para sa aking sarili.
Napabuntong hininga ako at tinignan ang kaniyang mukha. Mahimbing at halata ang pagod sa kaniya kumpara sa akin, ngunit mas matatag pa siya.
"How can I un-loved a person like you?" Pilit akong ngumiti. Asa naman na marinig niya ako? "Fisrt year..noon pa man alam ko nang gusto kita. Itinago ko iyon dahil mahalaga sa akin ang pagkakaibigan nating apat."
My eyes were been started to cry. Kumibot ang mga labi ko. Inalis ko ang paghahaplos sa kaniyang buhok at hinawakan ang pisngi niya.
"You always make a way for me to fall for you more and more." Pumatak ang butil ng luha ko. "I've been hurt by my best friend, my first love..'
I sighed heavily. Inangat ko ang paningin ko sa payapang kalangitan. Kung ganiyan lang sana kapayapa ang puso ko, sana kahit minsan maging langit rin ang sarili ko. 'Yun tipong, wala kang pakialam sa ibang tao, because you're just concerned with your own sakeness.
"They're beautiful like..you." Naibaba ko ang aking paningin.
Nagtama ang mga mata naming dalawa. Ilang Beses akong lumunok nang lumunok. Hindi ko alam kong iiwas ba ako nang tingin o Hindi. His dark and deadly eyes is now staring at me. I didn't know what is he doing-
Gano'n pa man, nangilid na naman ang aking luha sa mga mata at para iyong gripo na nagsitulo pababa sa aking pisngi. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nagsisimula na rin iyong magpakawala nang hikbi. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, all I can see is him, he looked so tired and exhausted. His jawline started to moved. Lumunok rin siya at pansin ko ang pag-kagat niya sa pang-ibabang labi niya.
"Sis!" Agad Kong pinunasan ang aking luha ng biglang marinig ang matinis na boses ng aking kaibigan.
'Damn! Kung kailan naman may moment ako! Letse!'
"Grabe! Anong ginagawa niyo dito ni ke--Vash?" Gulat siyang bumaling sa ngayon ay katabi niya na. Hindi siya inimik o maski liningon manlang ni Vash. Sumunod na dumating si Iwyn na ngayon ay gulat na gulat ang hitsura sa nakikita.
"O-Oh? Bakit nakahiga sa hita mo si K-Keo?" Buti pa siya nahalata agad 'yon, salamantalang ang babaeng malapit nang mamatay ay nakatitig sa isa. "And..who are you--Mr. Hauston?" tsh!
I clenched my throat before looking at them. Suminghap ako at napakuyom ang kamao. What is it going on? Bakit Hindi ko manlang naalala na dapit hapon na? Nakatingin ako sa kalangitan kanina, bakit Hindi ko manlang naalala na ganitong oras kailangan kong makipag-kita sa lalaking ito na katabi ngayon ng aking mga kaibigan.
Nagising na rin si Keo at halata rin ang pagkagulat sa hitsura. Umalis siya sa pagkakahiga sa kandungan ko at tumayo. Napabuntong hininga siya saka liningon ang mga kasama.
"Grabe kayong dalawa! Kung gagawa kayo ng bata.. doon kayo sa hotel!" Nanlaki ang mga magaganda kong mata at masamang tinignan si Jamila.
"'Yong bunganga mo!" Sigaw ko pabalik. Inginuso niya ang katabi niyang isinumpa ng kapalaran, kaya masama ang tingin sa akin.
Oh, sige. Sayang na naman 'yong moment ko! Letse kasi na mga ito eh! Ang dami ko pang nais sabihin na speech ko tapos, mga peste na manggugulo lang? Holy crap! Be dead guys!
Napabuga ako ng hininga saka napagpasiyahan na tumayo na. Nginiwian ko si Iwyn nang magtama ang aming paningin. Panalo look. Lumapit ako Kay Vash saka nginitian ito. Wala manlang nagbago sa pagiging masama ang tingin niya. Lol!
Nag-peace-sign ako. "Alis naba tayo?" He rolled his eyes. Ay bakla?
"Aalis lang..walang tayo." Then he left us.
Laglag ang panga na sinundan ko siya ng tingin. Parang biglang kumulo ang dugo ko sa pagkapahiya. What the hell is he talking about? Babarahin niya ako dahil lang nakalimutan kong may usapan pala--siya at ako na gagawa pa ng pesteng topic ngayon? Kagaguhan!
Umirap ako nang marinig ang tayo na tumatawa. This is not the first Time na pinagtawanan ako, at ayoko noon! I hate being laughing by my friends! Putcha siya! Hindi ako sasama!
Pero dahil nga sa tanga ako, sumunod ao sa dinaanan ng joker. Hindi ko pwedeng idamay ang pansarili kong kabwisitan sa report namin sa biyernes. Dapat maging professional ako pag-dating sa ganito. Lol! This is my last time para makasali sa debate. At makakamit ko na ang karangalan ko bilang Valedictorian this batch.
"Ang kupad-kupad mo?" Bungad sa akin ni gago. Umirap ako at bumuntong hininga.
'Bwiset ka, Vash! Sinira mo ang magandang moment namin ni Keo kanina! Wala kang puso!'
"Nag-text ka sana 'di ba? ng hindi ka parang gago na nanggugulo sa moment ng may moment!" Pumasok na ako sa Mustang niyang Silver.
Ang yaman pero un-gentleman. Malasin sana sila ng magiging girlfriend niya soon. Pambawi lang.
"Umamin ka nalang kasi?!" Inismiran ko siya.
"Epal lang? Masisira ang friendship namin kapag ginawa ko 'yon! Isip rin minsan Vash!"
"Umamin kang naiinlove ka na sa akin.."
What the hell?
Hinampas ko ang gago sa pagiging assuming niya. Sobrang naiinis na nga ako sa nangyari kanina, dadagdagan niya pa ng kahayupan? And worst, umamin akong gusto ko siya? In love ako sa kaniya? Gago ba siya?
"I was joking..bakit ba napakadepensa mo?" Patuloy niyang sinasalag ang hampas ko. "f**k!"
"Bwiset ka! Ang kapal mo para isiping gusto kita, ah? Ni Hindi nga ako nakaramdam ng kakaiba sa'yo!" Patuloy ko lang siyang hinahampas.
"A-Ano ba?! Stop it, Silva! Hahalikan kita!" Natigilan ako. Umirap ako at bumalik sa pagkakaupo nang maayos. Suminghal siya saka inayos rin ang sarili niya.
Gago pala siya, eh?! Anong tingin niya sa akin? Magpapadala sa nakakabwisit niyang Biro? Hell no!
"Wala akong ganang mag-isip ng topic ngayon. Bukas nalang." Lumingon ako sa labas ng bintana ng sasakyan niya. Bahala siyang gumawa. Sinira niya Ang araw ko.
"Ikaw ba ang nag-iisip para sa topic? Ako naman, 'di ba? Asungot ka nga lang na kailangan tulungan para maging sigurado na ikaw ang magiging Valedictorian this year."
"Nye nye nye!" Inirap-irapan ko siya.
"Leave my car." Mahimahon munit puno ng inis niyang sabi. Napangiti ako at binuksan ang pinto- "..And never asked me for a help."