The Past Battle at Sea of Cube

1705 Words
Nag palabas nang malalakas na aura sina lolo goryo at kapitan jack, niyanig ang boung kalakihan nang bangka at nagkanda himatay ang kalahati nang crew ni kapitan jack sa subrang lakas nang naglalabanang aura, Bumalik ang eksena nung si lolo goryo ay division commander pa lamang nang royal palace at si kapitan jack ay isang lider nang tanyag na grupo nang pirata na Dragon Pirate, kilala ang dragon pirate sa pagnanakaw at pag patay sa mga noble family nang bansa, pero nung araw na ang misyon nang Dragon pirate ay sa isla nang Marshall kung saan naninirahan ang noble family nang taong nag ngangalang Arman, isang taong malakas ang impluensya sa royal palace sa kadahilanan na marami syang kaalyadong tao sa buong bansa, si Arman din ang may dahilan kung bakit nalalaman nang royal palace ang lahat nang kaganapan sa loob at labas nang bansa. Sa isang bahay-inuman sa isang hindi kilalang isla kung saan umiinom ang mga pirata nang hindi sila napupuntahan nang mga royal guards sa kadahilanang napakaraming malalakas na pirata ang lumalagi dito at kakailanganin nang royal palace ang lahat nang kanyang malalakas na mandirigma para sakupin ang isla, ngunit hindi magawa nag royal palace ito sapagkat walang mag poprotekta sa palasyo kapag ginawa nya ang pag sakop sa isla kaya naglagay nalang eto nang espiya sa nasabing isla, minsan sa inuman ay naikwento ni kapitan jack sa isa nyang kaibigang lider din nang pirata ang kanyang balak na paglusob sa isla nang marshall. Kapitan (Unknown)’ – jack!!! Mukang pasikat nang pasikat ang pangalan mo ngayon? Hindi ka ba nangangamba baka makasagupa mo ang mga halimaw nang palasyo? Kapitan (Jack)’ – hahahhaa! Wala akong balak mag patalo sa lahat nang aking makakalaban, lahat tayo ay may kamalayan lahat din tayo may karapatan sa lahat nang bagay dito sa lupa. Kapitan (Unknown)’ – hahaha! Tama ka! Pero kadalasan ang taas nang paglipad ay sya din pag taas nang pagbagsak, Saan ba ang tungo mo ngayon at tila ba galak na galak ka sa gabing ito? Kapitan (Jack)’ – Sa isla nang Marshall. Hinding hindi ko mapapatawad ang taong yun, sya ang dahilan kung bakit tayo at lahat nang mga nandito ay nakikipagsapalaran sa mapanganib na karagatan. wag mong balakin na pigilan ako kaibigan kasi buo na loob ko at kahit sino ang humadlang saken ay tatapusin ko kahit kaibigan o pamilya pa ito? • Nagpakawala nang aura si jack sa buong isla at lahat nang mga pirata nandun ay naalerto sa ginawa ni jack, nainis ang malalakas na pirata kay jack, biglang lumabas ang taga-pag alaga nang bahay inuman sa isla na yun at nagwika nang mahigpit na pinag babawal ang pakikipaglaban sa islang eto, ang paglabag sa patakaran na eto ay matatawaran nang kamatayan, nakailang ulet nang banggit ang taga-pag-alaga ngunit hindi parin eto pinapakinggan ni jack, nagsalita nalang ang kaibigan neto nang: Kapitan (Unknown)’ – hahaha!pasensya na mga kabaro! Hahah lasing na ang kasama ko! Mukhang marami rami na nainom nya, hhahaha. Jack! huminahon kana, baka mapa-away ka pa dito, naniniwala sayo at wala din ako balak pigilan ka. May payo lang ako sayo, meron tanyag na tandem ang palasyo, ang tinatawag na “Wing of Palace” dalawang commander nang palasyo na may kakaibang lakas, kapwa nakaharap ko sila sa isang digmaan at dun ko nakuha lahat nang sugat na meron ako ngayon, yung isang lider dun ay may kakayanan na umubos nang isang buong hukbo na sya lang mag-isa sya ang kidlat nang palasyo base na rin sa kakayanan neto. Ang marshall ay napakadelikadong isla para sa mga pirataa kaya mag-iingat ka napakarami nang mata at tenga sa bansa hindi mo alam kung sino kakampi mo lalo na nandito ka sa islang ito. Kapitan (Jack)’ – Salamat sa pagpapayo mo pero ibibigay ko na lahat nang meron ako ngayon, lahat naman tayo ay makikinabang kapag napagtagumpayan ko ang misyong eto. • Napansin ni jack na lahat nang tao nandun ay nakikinig lahat sa kanilang pag-uusap, madami nagmamatsag sa lahat nang kilos nila, lumusob na nga kinabukasan sina kapitan jack sa isla ng marshall nang walang pag aalinlangan, Sa kabilang dako naman nang bansa ay nautusan nang Royal palace sina Division commander Goryo at Division Commander Uranus sa isla nang marshall para protektahan sa paglusob nang tanyag na Dragon pirate: Dating Hari’ – Goryo at UranuS! Inaatasan ko kayo na protektahan ang isla nang marshall sa nagbabadyang paglusob nang dragon pirate sa islang yun. Goryo at Uranus’ – Masusunod mahal na hari! Mahabang buhay para sa palasyo!!!! Goryo’ – Uranus! Dragon pirate di ba sila yung sikat na grupo nang pirata ngayong mga panahon na eto? Uranus’ – Sila ang grupo na hindi naten pwedeng balewalain, napag alaman ko sila na halos lahat nang myembro nila ay may kamalayan at apat sa kanila ay may Lakas mode. Goryo’ – Uranus! Oy!oy! kung ganun pala napakadelikado pala nang misyon naten? Uranus’ – napakadelikado neto hindi maiiwasan na baka pareho tayong hindi na makabalik pauwi nang palasyo. • Lumipas ang isang linggong paglalayag nang magkabilang grupo, nang ilang milya na lang ang distansya nang marshall sa Dragon pirate ay biglang napansin ni Kapitan Jack ang dalawang malaking barko nang royal palace at eto nga ang barko nina Goryo at Uranus na kapwa pa sila nakatayo sa dulo nang kanilang mga barko, Napa tawa nalang si kapitan jack sa nalaman at nagsabi nang: Kapitan (Jack)’ – nababaliw na ang hari! Dalawang barko laban sa 500 pirata na may kamalayan laban sa dalawang barko nang palasyo! Haha! Kung seryuso sila, malamang iniinsulto nila ako! • Nang napakalapit na nang distansya nang barko nina goryo at Uranus sa barko ni kapitan Jack ay tumindi ang tensyon sa magkabilang grupo, kapwa nag kasagutan ang dalawang panig nang matitinding salita: Kapitan (Jack)’ – mga aso nang royal palace!! umalis kayo sa dadaanan ko kung ayaw nyo maunang mag-paalam sa pakay namen sa islang yan. Goryo’ – sinong tinatawag mong aso dito? Hoy! Bago ka makarating sa isla na yun ay dadaan ka muna sa bangkay namen? Kapitan (Jack)’ – alam ko naman na wala rin mapupuntahan ito! Kaya wala na tayo dapat pagusapan pa! isuko nyo lang ang taong meron yang marshall at wala nang dugong dadanak pa sa karagatang eto. Goryo’ – Ano! Sa isang linggo na paglalayag namen tapos pasusukuin mo lang kami? Baliw ka! Wala kaming balak umatras diba Uranus? Uranus’ – hayyss’ kaya ayaw ko nang ganito eh! Oo na oo na! sige na! • Napansin ni kapitan jack ang mga logo nang mga bandera nang barko nina goryo at Uranus ang right wing at left wing, naalala ni kapitan jack ang pagpapayo nang kaibigan tungkol sa tinatawag na tandem nang palasyo ang “wing of palace”, kinausap ni kapitan jack ang tatlo nyang mga opisyal na sina Gurd, Blake at ryle na kapwa na nasa kabataan pa nila,: Kapitan (Jack)’ – Gurd,Blake at ryle! Kayo bahala sa isa sa kanila at ako naman tatapat sa isa sa kanila? Gurd’ – Masusunod po! • Bigla bigla nagpalabas nang aura ang magkabilang panig na nagdulot nang pag-alon nang malalakas at pag sama nang panahon, nag pakawala nang napakalakas na atake si goryo bilang simula nang labanan, Highest Murderous technique (Killer s***h) gumuhit ang atake ni goryo sa dagat at agad naman eto tinapatan nang Highest murderous technique (Spinning Spear) ni kapitan jack, nagsagupaan ang dalawang atake at tabla ang naging resulta nang mga yun, pag katapos nang parehong atake ay kapwa naman gumalaw ang ibang mga myembro at sumiklab ang digmaan nang dalawang panig, hindi nawawala ang mga paningin ni goryo at jack sa isat-isa, nag paulan nang maraming palaso ang mga miyembro ni jack ngunit sinalag lang eto nang Highest Protection technique (Water Sphere) ni Uranus at lahat nang palaso ay nawalang silbi lang, tumalon na sa tubig si Uranus at kinontrol neto ang tubig dagat bilang kanyang sasakyan gamit ang kanyang aura na Highest Protection Technique ( Water Surfer), habang nakasakay si Uranus sa tubig ay nagsimula na sya umatake gamit ang kanyang Highest Murderous technique (Water Bullet), hindi naman natinag si Gurd at ginamit nya ang Highest Murderous technique ( Shockwave ) naglaban ang mga aura ni Uranus at gurd na nag dulot nang mga pagkabagsak nang ibang myembro nang magkalabang grupo: Gurd’ – magaling ka sa pagkontrol nang kamalayan mo, nagagawang mong kontrolin ang tubig gamit ang pag manipula nang aura? Uranus’ – pare pareho lang tayo dito may kamalayan, kaya kung anong meron ako ngayon hindi mo na dapat ikagulat yun dahil meron ka rin na sarili mong kamalayan. Gurd’ – isa ka ngang mahalagang kalaban kung ganun. • Umatake naman si Blake kay Uranus nang napakabilis gamit ang kanyang “ Highest Murderous technique” (Accelerate) ,pinapabilis neto ang pag galaw nang katawan ni Blake pero nasalag lamang eto nang kanang kamay ni Uranus na si “Fang” na nung oras na yun eh nasa kabataan nya parin, “ Highest Protection technique” (Iron Turtle Shell), hindi man lang nagawa nang atake ni blake na tumagos sa protection ni fang: Blake ang second commander ni Kapitan jack laban kay Fang na kanang kamay ni Uranus: Fang’ – hindi ka maaring dumiretso sa akin glider na hindi ka dadaan saken! Ako si fang alam kong malakas ka kaya karapat dapat lang malaman mo ang aking pangalan para malaman mo kung sino ang tatalo sayo? Blake’ – haha! Ako si Blake! Ngayon lang ako nakakita nang Fishman na mayabang! Humanda ka! • Hindi naman nagpahuli si ryle ang third commander ni kapitan jack ay umatake gamit ang kanyang “Highest Murderous technique” (Power punch), sumuntok sa hangin si ryle at tinulak nang kanyang aura ang hangin papunta sa barko nina goryo’ pero kinontra naman eto agad nang kanang kamay ni goryo na si “Andros”, “ Highest Protection technique” (Feldspar Muscle) ginagawa nang kanyang aura na patigasin ang kanyang mga muscle na sing tigas nang bakal: Ryle ang third commander laban kay Andros ang kanang kamay ni goryo: Andros’ – anong kalseng atake ba yan? Hindi man lang nagalusan ang balat ko? Ryle’ – hihiwa hiwain ko mga laman at buto mo! Tingnan naten kung hanggang saan ang tigas ng katawan mo na yan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD