[Samantha] “Nasaan ang mama mo, huh?!” Nanlilisik ang mata na tanong ni Troy kinabukasan. Halata na galit na galit ito habang nakahawak ng madiin ang kamay sa leeg niya. “B-Bitiwan mo ako, n-nasasaktan ako!” Aniya na halos hindi na makahinga. Kanda-ubo siya ng bitiwan nito ang leeg niya. Napaluhod siya sa harapan nito habang umiiyak at takot na takot na nakatingin rito. “K-Kasalanan mo kung bakit ako iniwan ni mama!” Tumayo siya at pinagsusuntok ito sa dibdib. Nakita niya kung paano ito natigilan sa narinig. “H-Hayòp ka! S-Sana ikaw nalang ang lumayas sa buhay ko! Mamataý ka na!” Katulad ng inaasahan niya ay malakas itong humalakhak matapos marinig ang sinabi niya. Para itong demonyóng tuwang-tuwa sa narinig. Mas lalo niyang ginalingan ang pag arte— Dahil kung hindi ay tiyak na mas

