[Samantha] “A-Ano?” Hindi makapaniwalang bulalas niya. “H-Hiwalay na tayo kaya wag mo akong—“ “Hindi ako pumayag na maghiwalay tayo, Sam. I let you go and leave me because I want your mind and heart to cure from pain I’d cause you. Alam ko na masasaktan ka hangga’t nakikita mo ako habang hindi pa naghihilom ang sugat sa ginawa ko. Ginawa ko rin ang misyon na kailangan kong gawin para hindi na tayo magugulo pa ng kahit sino.” Misyon? Naguguluhan siya. Ano ang ibig nitong sabihin. “Magsimula tayong muli, Sam.” Nakikiusap ang mga mata nito. Hindi niya magawang magsalita. Gulat pa rin siya sa nalaman niya. Hindi niya akalain na siya ang babaeng tinutukoy nito na nobya. Napasinghap siya ng naramdaman ang paglapat ng mainit na bagay sa labi niya— Sakop ng tila uhaw na uhaw na labi ni Zand

