******* [Zandro] Matapos tingnan ang resulta ng pinagawa niyang imbestigasyon ay napatiimbagang si Zandro. Halos madurog ang malukot ang hawak niyang envelope na naglalaman ng mga impormasyon na kailangan niya. Kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan si Spo3 Sulinap. “Sir, tama ka nga sa mga sinabi mo.” Bungad nito sa kanya. “Balak mo bang dalhin si Miss Samantha sa lugar na ligtas siya?” Humithit muna si Zandro ng sigarilyo bago sumagot. “Mas ligtas siya kung malapit siya sa akin. And besides, mas mapapadali ang trabaho natin dahil sa kanya.” “I-Ibig mo bang sabihin ay g-gagawin niyong pain si Miss Samantha?” Alanganing tanong nito. Bumuga nang usok ng sigarilyo ang binata bago nagpakawala ng buntonghininga. “Yes.” Sagot niya na alam niyang ikinawindang ng kausap niya. “Sa

