[Samantha] Hindi siya sumuko. Hinanap niya si Zandro pero tatlong araw na pero hindi niya ito nakita. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya nang ulo. Naninikip ang dibdib niya sa sakit parang pinapatay ang puso niya. “Anak, kumain ka na. Kailangan may lakas ka para sa pagharap mo sa bukas. May dahilan si Zandro kaya ginawa niya ito—“ “Dahilan?” Humihikbing tumingin siya sa ina. “Ma, naman… hindi pa naman tapos ang kaso ko. May laban pa ako pero hindi niya hinintay ‘yon.” Pinahid niya ang luha at pumasok sa kwarto niya. Nangako ito sa kanya na hindi aalis sa tabi niya. Na hindi siya nito iiwan. Pero nasaan ito ngayon? Oo, ayaw niyang makulong. Inaamin niya na natatakot siya. Pero hindi niya hiniling na ipamigay siya nito sa iba kapalit ng kalayaan niya. Mas nanaisin niyang magtiis mu

