Samantala… Inayos ni Spo3 Sulinap ang suot bago lumabas ng kusina— Nakasuot ito katulad ng mga uniform ng naturang restaurant. Hawak ang isang bote ng wine ay dumiretso ito kung saan naroon sina Troy at Mr. Shin. Dahan-dahan yumuko si Spo3 bilang pagbigay galang sa dalawa bago nagsalin ng wine sa tatlong wine glass na naroon. Nilapag ng pulis— na naka-disguise, ang bote ng wine, sa ilalim nito ay mayro’ng napakaliit na chip kung saan ay maririnig ang usapan ng dalawa. “Wait,” Tumaas ang kamay ni Troy dahilan para lumapit ang isang tauhan nito. Tila huminto naman sa kaba ang dibdib ni Spo3, kulang nalang ay maihi ito sa takot. “Kumuha ka pa ng wine.” Utos ni Troy. Nakahinga ng maluwag ang undercover na Pulis. Sinunod nito ang utos ni Troy. Sa nakasalubong ay kumurap siya ng dalawang b

