[Samantha] Tatlong araw na niyang iniiwasan si Zandro. Simula nang mangyari ang mainit na halikan sa pagitan nilang dalawa ay napag-isip-isip niya na kailangan niyang sumipilin ang nagsisimulang umusbong na pakiramdam sa dibdib niya. Nakagawa ito nang kasalanan sa kaniya--- No, hindi lang sa kanya, kundi maging sa mga mahal niya. Napahinto siya sa paghakbang nang makasalubong niya si Zandro. Nang gumilid siya para makadaan ito ay gumulid din ito. Panay ang gilid niya sa kanan at kaliwa--- at gano'n din ito. Kung hindi niya nakita ang ngisi sa labi nito ay aakalain niya na nagkataon lang 'yon at hindi nito sinasadyang harangan siya. Pero sadyang nang aasar ang loko. Gusto yatang makipag-patintero sa kanya. Gusto man niya na bulyawan ito ay nagpigil siya. Pinili niyang kumalma at hindi

