38. TRAPPED SERIES#3

1313 Words

[Samantha] Totoo pala na hindi lahat ng tao sa paligid mo ay tama ang pagkakakilala mo. Isa 'yon sa napatunayan niya ngayon. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na isang lider ng sindikato si Jc, hindi lang lider, kundi isa rin itong napakasamang tao. Pinahid niya ang luha sa pisngi habang nakatingin sa karagagan. Narito siya ngayon sa tabi ng dagat, gusto niyang mapag isa. Hindi niya lubos akalain na ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya ay siyang magdadala sana sa kanya sa kapahamakan. Gano'n ba siya kamangmang para hindi mapansin 'yon? Mahal lang ba talaga niya ito kaya nabulag siya? O talagang magaling lang ito magtago? Kung gano'n ito ang tinutukoy ng mga taong nagtangkang dumukot sa kanya. Hindi si Zandro ang binalak na kidnapin siya kundi si Jc mismo! Parang bat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD