Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Pag- upo palang ay ramdam ko na ang pagsakit ng aking ulo, para itong binibiyak. Natigilan ako ng biglang lumundo o gumalaw ang kama kung saan ako nakahiga. Napabalikwas ako nang makita kung sino ang katabi ko. Agad kong tiningnan ang sarili, kumpleto pa naman ang suot ko bumaba agad ako ng kama ng masiguradong walang nabawas sa aking kasuotan. "Liam?" gulat na bulalas ko ng makita ang lalaking katabi ko kanina. Hubad baro ito at kitang kita ang hulmadong kakisigan nito Nakapikit pa ang mata nito na napaupo "Why? Paanong? Nasaan ako?"" Hindi ko na alam kung paano ko sasabihin ang mga salitang nais kong sabihin dito. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko npala ito kwarto " I'm sorry Cym, hindi na kita naihatid sa inyo a

