Hinihintay ni Aiden na tuluyan siyang makalakad bago muling ayain magpakasal si Cym. Naging masaya si Aiden dahil sa nalaman na kalagayan ni Adrianna. Hindi Niya inaasahan na papasok sa monasteryo at magiging Isang madre ang spoiled-brat easy go lucky na katulad ni Adrianna. Samantala.... LIAM'S POV Kahapon lang ay tinanong ko si Rica kung pwede ba ako makapagbakasyon sa probinsya nito. Ayaw ko na munang umuwi ng Belgium dahil paniguradong sessrmunan na naman nila ako. Botong boto ang mga magulang ko Kay Cym at sa katunayan ay ipinagmamalaki na nito sa mga amigas nito na ikakasal na siya. Pinauwi ko muna si Rica upang makapagpaalam sa lola nito na NASA probinsya at makapaggayak na rin ng mga gamit Niya. Bandang hapon ay dumating ito na may Dalang backpack. "Okay na sir, nasabihan k

