AIDEN'S PoV "Sir, nawawala po si ma'am, kasama po ang bata" tawag na mula kay Aling Lumeng, ang matandang babae na pinagkatiwalaan ko na samahan si Cym. Nang mga nakalipas na araw ay akala ko ay maayos ang naging usapan namin na hindi siya makakatakas dito at nakuha ko na ang loob nito pero mukhang nagkamali ako dahil mukhang nagmamatyag lang si Cym. Hindi ko maiwasang mainis at magalit dahil sa labis na pag- aalala sa anak ko. "Allan, prepare the chopper. Babalik tayo sa Casiguran." tawag ko sa secretary ko. "Right a way sir, " at tinawagan nito ang piloto ng chopper ngunit wala pa itong isang minuto na nakalabas ng kanyang opisina ay bumalik ito. "Sir, The pilot informed us that we needed to wait for the rain to stop. The rain and wind are too intense, and the helicopter may be una

