Pumasok ako sa loob at pumwesto sa bandang dulo malapit sa pntuan ng simbahan. Marahan akong lumuhod at nagdasal ng taimtim.
..Hinihiling ko na sana magbago ang ihip ng hangin at magbago ang pagtingin sa akin ni Aiden.
...Na sana mapansin at mahalin niya na rin ako katumbas ng pagmamahal ko sa kanya.
Habang nagdarasal ay nakarinig ako ng isang pagtikim sa aking tagiliran.
"eherm"
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagdarasal.
"eherm...eherm..."
Ano ba tong katabi ko, may TB ata
sabi ko sa sarili at saka tiningnan ang katabi ko.
Nung una ay hindi ko ito namukhaan ang lalaking katabi ko dahil sa ito ay nakatagilid at nakayuko habang nagdarasal.
Umupo ako at hindi ko na lang pinansin at hinintay na mag umpisa ang misa.
Di rin nagtagal ay umupo na rin ito sa tabi ko.
"Ikaw pala yan Miss." nakangiting sabi niya sa akin ng tiningnan nya ako.
Shemay.. Ito yung lalaking tinalsikan ako ng putik imburnal ahhh!!!
Relax ka lang, Cym. Be nice, Nasa simbahan ka para magbawas ng kasalanan kaya
wag mo susungitan.
Imbis na sagutin ay nginitian ko na lang siya. Hingi ko na ito pinansin hanggang sa matapos ang misa.
" Wait lang Miss.."
palabas na ako ngsimbahan ng hawakan niya ang ang aking siko para pgilan.
"Bakit? anong kailangan mo?"
" Gusto ko sana humingi ng tawad with regards of what happen last time."
kakamot kamot pa ito ng batok habang nagsasalita
" Apology accepted " sabi ko habang nakangiti.
mukha namang sincere ang paghingi niya ng sorry eh..
" If you don't mind. I'd like to ask you out as a peace offering."
tumaas ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya.
" My name is Harvey by the way. And you are?" he asked
" Cym" tinanggap ko ang inaalok niyang pakikipagkamay.
" Unique.. I like it." as we are shaking our hands.
" By the way, Would you mind?"
"Don't worry, it's just a friendly date and its my treat. Gusto ko lng bumawi . "
depensa nito.
Tiningnan ko ang aking wristwatch na suot ng makita na masyado pang maaga para umuwi ay sumama na ako sa kanya.
Dinala niya ako sa isang Pancake House na malapit lamang sa simbahan.
Pinagbukas niya ako ng pintuan.
Akmang hihilahin ko ang isang upuan ay inunahan niya ako.
habang pinaghihila ako ng upuan ni Harvey ay bigla nahagip ng aking mata si Aiden na nakatingin sa amin.
Kasama nito si Alesssia na nakapwesto sa pinakagilid ng store.
Ibinalik ko ang aking paningin kay Harvey at umupo.
"Thank you" sabi ko sa kanya
ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
"Stay here for a minute, I'll just buy some food. Ano ba ang gusto mo?"
" Kahit ano."
"Ok . I'll choose for you " then he goes.
Habang hinihintay ko si Harvey na bumalik ay di ko mapigilang magnakaw ng tingin kung saaan nakapwesto sina Aiden.
Pasimple ko silang tiningnan ngunit sa di inaasahan ay nakatingin din ito sa kanya. Nagtama ang kanilang paningin kaya agad niyang binawi ito at inilipat ang tingin kay Harvey na papalapit dala nag kanilang order.
Ibinaba niya sa lamesa ang mga inorder niya saka umupo sa katapat kong upuan.
Halos hindi ako mapakali.sa aking inuupuan dahil alam ko na nasa paligid lang si Aiden.
"Hey, Is there something wrong?" Tanong ni Harvey
"Wala naman medyo hindi lang maganda pakiramdam ko." Pagkakaila ko.
"Ah, ok. Gusto mo na ba umalis?"
" Can we go somewhere else? Gusto ko ng sariwang hangin."
"Ok, let's just finish our food first before we go."
Umalis din kami kaagad at dinala niya ako sa isang park, medyo patirik na ang araw since 11 na ng umaga kaya pumunta kami sa medyo shady part.
Umupo kami sa isang vacant table.
"So? can you tell me about yourself?" Pagbubukas ng usapan ni Harvey habang sa akin
"Anong sasabihin ko sa yo? Bakit, close ba tayo?" Pasungit na sagot ko
"Chillax... Nagtatanong lang eh"
"Uy, ice cream, gusto mo?" tanong niya sa akin nung may mapadaan na naglalako ng dirty ice cream
tumango na lang ako since hindi ako masyado nakakain kanina dahil naiilang ako sa presence ni Aiden.
Habang kumakain ay nagtanong ulit ito.
" Gusto ko sana humingi ng sorry sa nagawa ko last time. I swear di ko sinasadya" he said after he finished eating his ice cream.
"ok na, apology accepted"
Marami pa kaming napag-usapan. Naputol lang ang aming pag uusap nung kailangan ko ng umuwi.
He also insisted na ihatid ako kaya lang di na ako pumayag..
Sinundo ako ni Aiden at katulad ng dati parang walang nangyari.
Aiden's POV
Up until now ay hindi ko pa rin lubos maisip na kasal na ako kahit na isang taon na rin ang nakakaraan. Masaklap pa ay hanggang ngayon ay hindi pa ito alam ni Alessia. I was inlove with her since when we were high school.
Noong una ay nakontento lang ako sa nakaw na pagtingin sa kanya habang ito ay sumasayaw. Malimit ako pumupunta sa mga rehearsals nito para panoorin siya pero nung nagcollege kami ay nag umpisa na ako manligaw sa kanya. I court her for 1 year,.
My world revolves on her,
she is my inspiration.
But everything started to change when my dad decided na ipakasal ako sa anak ng besfriend niya and it's Cym.
Kilala ko siya dahil madalas ko siya nakikita kapag may mga gatherings at isinasama ako ni Dad at parehas kami ng school na pinapasukan.
Two months after ay ikinasal kami and at the same month na ikinasal kami ay sinagot ako ni Alessia.
Dapat masaya ang maramdaman ko dun dahil after ng isang taon na pagttiyaga manligaw ay sinagot niya ako pero hindi.
Pakiramdam ko trinaydor ko siya.
I cheated on her but I convince myself na hindi ko yun ginawa dahil si Alessia pa rin ang mahal ko at sa papel lang kami kasal ni Cym.
Pero sa nakalipas na araw ay parang may kung ano akong nararamdaman para kay Cym na hindi ko maintindihan.
Kakaiba ito kumpara sa nararamdaman ko para kay Alessia
Nung araw na makita ko siyang nagluluto habang kumakanta sa kusina ay tila ako nahahalina sa kanyang boses.
Mas lalong nadagdagan ng nagsama kami sa iisang kwarto. Akala namin ay isang araw lang ang itatagal ng pagpapangggap namin. Hindi ko mapigilan na titigan ito tuwing umaga kapag nagigising ako.
Sa tuwing nakikita ko siya sa school ay di ko mapigilan hindi tumingin sa kanya gaya ng ginagawa ko sa kanya dati at nakakaramdam ako ng selos sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba.
Pinipilit kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya dahil alam ko na masasatan ko si Alessia at ito ang mahal ko kaya iniiwasan ko si Cym at nagpapanggap as a cold hearted husband.
First Day of School..
Last year ko na to sa college and feeling excited dahil isangn taon na lang ay makakapagtapos na rin ako.
Maagang umalis si Aiden, siguro susunduin niya na naman si Alessia.
Wala naman bago dun kaya nagkibit balikat na lang ako at nag ayos para sa pagpasok.
Habang nagalalakad ay napansin ko ang kumpulan ng mga babaeng estudyante sa isang kwarto katabi ng magiging classroom ko.
"Gwapo naman ni kuya"
"Parang artista si kuya" kinikilig na sabi ng mga estudyante
--------
Nakisilip na rin ako kung sino o ano ba sinisilip nila.
Pagsilip ko ay nakita ko si Harvey na prenteng prenteng nakaupo habang may kinakalikot sa cp
"Cym"
bigla niya ako tinawag ng makita niya ako sa kumpulan ng mga estudyante sa pinto sabay kaway at nginitian ako.
Napatingin sa akin ang mga estudyante kaya tinanguan ko na lang siya at binigyan ng tipid na ngiti saka umalis
Akala ko naman kung ano na yung tinitingnan nila si Harvey lang pala. Siguro nagtransfer siya
Akmang papasok na ko ng may humawak sa braso ko.
"Good morning Miss Sungit" bati ni Harvey at hinabol pa talaga ako
" Morning,musta? Dito ka na nag-aaral?"
"Yeah. Pinagtransfer ako ni Mom mas malapit kasi buti na lang pumayag ako kasi andito ka pala nag-aaral. Lagi na kita makakasama," sabay kindat nito
"Sira, tigilan mo nga yan tinataasan ako ng balahibo sayo" pairap kong sabi
Napatawa naman ito sa pag irap ko sa kanya
"Kyut mo talaga lalo na kapag umiirap ka" kinurot pa ang aking pisngi
"Aray! Tigilan mo nga yan." Tinabig ko ang kamay niya habang pinanggigigilan nito ang aking pisngi saka ito inirapan bago pumasok sa loob ng room.
"Sabay tayo maglunch mamaya, hintayin kita" sigaw pa nito
"Che!"
Tawa ito ng tawa saka bumalik sa kwarto nila