Chapter 8

1545 Words
..Sunday.. Tanghali na ng ako ay magising. Nagpalit na muna ako ng damit at jogging pants dahil mas sanay ako matulog ng nakasando at shorts, nagsipilyo at naghilamos saka bumaba. Pumunta ako sa kusina para sana magtimpla ng kape kahit na tirik na ang araw. Well, coffee is life hehehe. Napansin ko na may nakatakip sa lamesa kaya tiningnan ko. Bacon,boneless bangus na may kamatis at sinangag. Nagtimpla ako ng kape at kumuha ng plato at kutsara para kumain. Hindi ko na tinawag si Aiden dahil alam ko na kumain na ito pagkat nakita ko yung mga ginamit niyang utensils na nakalagay sa drainer sa lababo. Himala, nagluto ng almusal. Ano kaya nakain nun Napapatanong ko sa sarili habang patuloy sa pagnguya. Halos maubos ko ang nasa mesa ng dumating si Aiden. Nakajersey ito at rubber shoes na itim at pawis na pawis halatang kagagaling lang nito sa pagbabasketball. Bigla ako nahiya kaya tinanong ko ito kung kumain na. " Good morning,Nag almusal ka na?" Habang pinupunasan ang aking kamay matapos hugasan ang aking pinagkainan. "Tapos na." tumingin lang ito sandali sa kanya bago kumuha ng baso at ng pitsel ng tubig sa ref, pagkatapos ay umakyat na ito Nagwalis lang ako ng sala at nagdilig ng mga halaman saka ako bumalik sa kwarto. Tinapos ko na muna lahat ng mga school works. Tinawagan ko rin sina mommy para mangamusta. Pasado alas kwatro na kaya nagdesisyon akong maligo. Plano kong magsimba saka dadaan sa grocery para mamili ng mga kailangan sa bahay sa dami namin school activities plus ojt plus projects ay hindi na ko nakkapunta ng palengke. Aktong lalabas na ako ng bahay ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nito "San ka pupunta?" "Magsisimba sana tska dadaan na rin para maggrocery." Wow, nagtatanong na rin kung saan ako pupunta samantalang dati snob. " Stay there, wait for me. Magbibihis lang ako sasamahan kita maggrocery wala naman ako gagawin." He hurriedly say at agad isinarado ang pinto nito para magbihis. After ilang minuto ay lumabas ito dala ang susi ng kotse. Nagsimba kami sa St. Peter Parish Church. Ito ang unang misa na napuntahan ko na kasama siya. Nang parteng maghahawak kamay na ay atubilin pa akong kunin ang kamay nito kaya itinaas ko na lamang ang aking mga kamay saka pumikit, ngunit napaiktad ako ng maramdaman ang paghawak nito sa aking kamay habang nakatingin sa altar. Pasimple akong napangiti. Nang parteng pagbibigay kapayapaan ay nahihiya akong tumingin sa kanya para sana magbigay ng peace sign. Imbis na tingin ay banayad na halik sa pisngi ang sinalubong nito sa akin na may kalakip na salitang "Peace be with you" saka tumingin sa kaliwa nito at likod upang magbigay ng senyas pangkapayapaan habang ako ay halos tila nahinto ang paghinga dahil sa ginawa nito. After ng misa ay pumunta kami sa Ever Gotesco Mall kalapit sa simbahan, nag ikot ikot muna kami. Dumaan muna ako sa Expression para tumingin ng mga school supplies ko at sinamahan naman ako ni Aiden. Niyaya pa niya ako na maglaro sa Tom's World. Pagkatapos nun ay kumain muna kami saka pumunta na sa grocery store, siya ang taga tulak ng cart habang ako ay pumipili ng mga bibilhin. Nang matapos ay dumaan muna sa katapat na Shopwise upang bilhin ang iba pang kulang na hindi namin nabili sa mall. Habang kasama ko siya ay walang poknat ang pagngiti ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganito. Animo nakatungtong ako sa ulap dahil ang matagal ko na pinangarap na makasama siya ay natupad na. Masaya kami nagkkwentuhan, pasimple niya rin na hinahawakan ang aking kamay at hindi ko naman ito natatanggihan. Habang ipinapasok niya sa compartment ang aming mga pinamili ay bigla tumunog ang cellphone nito. Tumingin muna ito sa akin, isang tango lang ang aking iginanti sa tingin nito na animo nagpapaalam na sagutin ang tawag. Nang tumingin ito sa akin ay alam ko na si Alessia ang tumatawag. Nakaramdam agad ako ng paninibugho kaya nauna na akong pumasok sa kotse at umupo sa passenger seat " Hello hon." Narinig niyang sabi ni Alden. Parang pakiramdam ko isa akong kabit na dapat itago kahit na ako ang asawa. Kinuha ko ang cp sa bag ko at nag open na lang ng f*******:. After ilang minuto ay pumasok na rin ito. Tahimik Kami sa loob. Walang imikan. Back to normal. -You have 1 unread message- Harvey: musta, chubs Reply: ok lang Harvey: open mo na nga lang messenger mo chubs, wala na ko load Reply: ano na naman yang isesend mo, baka p**n yan Harvey: hindi no, pero kung gusto sendan kita marami ako.. Reply: siraulo ka talaga Napapangiti ako ng simple habang kachat ko si Harvey habang si Aiden ay pasimple siyang tinitingnan habang nagddrive. Inopen ko ang data ng cp ko at nag open ng messenger. -Archy Harvey has 1 unread message- Pagbukas ko ng chat niya ay bigla akong natawa dahil nagsend siya ng picture naman bina Glydel nung naggroup study kami. Nakatulog kasi Denver habang naglalaro ng ml. Pinagtripan kasi ni Harvey si Denver, inipita at drinowingan niya gamit ang pentel ang mukha nito. Pinakapalan ang kilay at nilagyan ng tuldok tuldok ang pisngi habang si Glydel ay nilalagyan ng matte red lipstick ang labi at ilong nito saka nakipagpicture sila dito ng nakawacky. Bigla ako natahimik at napahawak sa aking bibig ng mapansin kung nakatingin sa akin si Aiden tila madilim ang aura. "Sorry" sabi ko bago ito bumaba saka nireplyan si Harvey Harvey: hahaha, naipakita niyo na ba yan kay Denver? " Hindi ka pa ba bababa dyan?" kumatok ito sa bintana na nasa side ko at masungit na sabi nito. Napatingin ako sa paligid at nagulat ako na nakarating na pala kami. Napasarap ang usapan namin ni Harvey Ano na naman kaya problema nito, kanina lang ang sweet sweet tapos naging cold bigla Ngayon naman ang sungit sungit.t nanlalagkit. Loose T shirt na kulay itim at dolphin shorts na ma isang pulgadang taas mula sa tuhod ang ikli. Noong una, nag aalangan pa ako na magshort pero mas ok na sa akin ang ganun kesa naman magsando sa harap ni Aiden, isa pa,hindi naman peklatin ang legs ko at masasabing may maipagmamalaki rin. Nang bumaba ako ay wala na ito sa kusina kaya inumpisahan ko na linisan ang mga pnamili namin. Inuna ko na hugasan ang mga gulay at pruas saka idrinain, sinunod ang mga karne. Maayos ko itong isinalansan sa loob ng ref. Pagkatapos ay hinarap ko naman na inayos ang mga noodles, condiments, canned goods. Ang iba ay inilagay ko sa garapon at trays bago ilagay sa cabinet na nasa taas ng lababo. Kumuha ako ng upuan para pumatong at isa isa kong inilagay ang mga ito. Hindi ko namalayan ang pagdating ni Aiden. Halatang bagong ligo ito dahil sa basang buhok nito. Nakapagpalit na rin ito, gray muscle tees at drifit short na itim ito. "Let me do it, bumaba ka na diyan." Hinawakan nito ang aking baywang upang alalayan ako na makababa. Nagsitaasan ang aking mga balahibo dahil sa ginawa nito " No, a--ako na ---" napahawak ako sa balikat nito dahil ayoko mapalapit pa dito. "No, I insist, bumaba ka na ako na bahala diyan." Habang inaalalayan niya ako makababa ay bigla namatay ang ilaw. Bigla akong napakapit sa balikat nito at napalapit sa katawan nito. "Sandali lang, kukunin ko yung flashlight na nasa--" sabi ko dito kahit hindi ko maaninag ang mukha nito, " Can we stay like this for awhile" bulong nito na nagdala ng kilabot sa aking katawan dahil sa hininga nito na tumatama sa aking leeg. Malakas ang pintig ng aking puso at animo ay may paru-paro sa aking tiyan ng mga sandaling iyon. Pinilit ko itong aninagin, di rin nagtagal ay nasanay na rin ang aking mga mata. Narinig ko pa ang mabigat nitong paghinga at paglunok nito. Hinawakan nito ang aking baba at hinalikan ang aking mga labi. Halik na mula sa dahan dahan hanggang sa naging mapusok at mapaghanap. Tila may sariling buhay ang aking nga kamay at ikinawit ito sa kanyang leeg habang ito ay masuyong hinahaplos ang aking likod. Nasa ganun kaming posisyon ng bumalik ang kuryente sa sangkabahayan at para akong nahimasmasan. Marahan ko itong itinulak para tumigil. Hindi ko mapigilan matitig dito dahil sa mga kilos nito na nagbibigay pag asa sa akin.. Pag-asa na baka mahal niya na rin ako.. "Hmm, ikaw na ba tatapos niyan? Sige una na ko sa taas" halos hindi ako makatingin dito dahil sa hiya na aking nararamdaman. Alam ko na kasing pula na ng kamatis ang mukha ko dahil sa init ng pisngi na nararamdaman ko. Nakahawak pa rin ito sa aking bewang "Umakyat ka na muna para magpahinga. I'll call you na lang for dinner" sabi nito habang pinipindot ang aking ilong saka marahang hinalikan ang aking noo bago ako pinakawalan . Agad ako pumasok sa loob ng aking kwarto "Totoo bang nangyayari lahat ng ito? Hinalikan niya ako?" Sabi ko sa aking sarili at wala sa sariling napahawak sa aking nga labi. sa sobrang kilig na aking nararamdaman at nagpagulong gulong ako sa aking kama habang paimpit na tumili tili, tinakpan ko pa nga ng unan ang aking bibig para lang hindi marinig sa labas ang pagtili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD