“Monster Chi, you’re back!” Masaya si Shanelle nang pagbukas niya ng pinto ng bahay, si Chihoon ang bumungad sakanya. Pero bigla din siyang napasimangot nang ma-realize na nasa loob pa ng bahay niya sina Gab at Troy. Napatayo sina Gab at Troy nang Makita nilang bumalik na nga si Chihoon. Pumasok si Chihoon sa loob at umupo sa harap nilang dalawa. Katabi niya naman si Shanelle. Nanatili naman sina Troy at Gab na tahimik at di alam ang sasabihin. Pinagpabali balik ni Shanelle ang tingin mula kay Chihoon na nanatili ding tahimik saka sa dalawang lalake na nakatingin lang kay Chihoon. She cleared her throat saka tumingin kat Chihoon. “Saan ka nagpunta?” Tumingin din ang lalake sakanya. “Nagpunta ako sa bahay ni Justin Hubert,” sagot niya. “Nagtatago na siya at di na rin maka connect ang m

