Busy sina Jam at Shanelle sa pagde-decorate sa kwarto ni Chihoon dahil nga sa nagbalik na siya sa bahay niya. “Okay na ba ito?” tanong ni Jam habang hinahawakan ang malaking picture ni Shanelle na ikakabit sa wall ng kwarto. “A little bit more to the right,” sagot ni Shanelle na sinisilip kung nakasentro ba ang pagkakabit ng picture niya. “Dito ba?” ani Jam. Tumakbo si Shanelle papunta sa itaas ng sofa para mas Makita. Pinikit niya ang left eye para siliping Mabuti. “Mas mataas yung left corner. Itaas mo ng konti yung right corner. Okay good!” Kinabit na nga ni Jam ang picture saka kinuha na naman yung isa pang picture. “Okay na ba to?” Sinilip na naman ni Shanelle. “A little to the left. Bring the left corner up a little. Good!” Kinabit na naman ni Jam ito at napangiti si Shanell

