"Coffee?" Dad asked nang makaupo na ako sa couch na naroon sa office niya. It's still funny to me na sa edad nila ay nagagawa pa rin siyang itaboy ni Dad paalis sa kuwarto nila kapag galit ito. Naaawa rin naman ako kay Papa dahil kahit may kama sa office niya at may sariling banyo, iba pa rin ang comfort na bigay sa kanya ng silid nila ni Dad. "Sure, Pa," I replied kahit na ayokong magkape dahil siguradong mahihirapan na akong makatulog pagbalik ko sa kuwarto namin ni Damon. I need it lalo na at tila yata mahaba-habang usapan ang mangyayari sa amin ni Papa. I waited for him to serve me the coffee and for him to be comfortably sitting down before I started asking him. "Pa, galit ka ba kay Damon?" Mula sa pagtitig sa kape niya ay bumaling ang mga mata niya sa akin. Ibinaba niya muna a

